"Pls let's talk"
I pressed send button. Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. I was shivering at agad kong kinuha ang towel ko sa katabi kong table. I wrapped it around myself.
"Hoy! Lika na! Mamaya na yang text! Swimming tayo ulit!" Sigaw ni Cheena habang nakafloat sa swimming pool.
Tumango lang ako pero nakatitig parin sa screen. My breath was shallow. I could hear my heart beat from my ears. Sobrang lamig nung gabing iyon. And I blamed myself.
I was at room 521 kasi nun with Bianca, lying on the bed when my girl friends knocked on the door. Nakaswimsuit na silang lahat. Pati si Bianca na roommate ko, nagbibihis na rin cya. Pinilit nila akong bumaba para magswimming saglit (daw). Kinuha ni Georgina yung phone na hawak hawak ko. Sabi niya hindi niya ibabalik sa akin kung hindi ako sasama sa kanila. Eh I needed my phone. I had to get it back. So, wala akong nagawa, kundi nagpaubaya.
"Hoy, sige na. Tama na muna yan." Biglang tumabi si Georgina sakin. "Gusto mo kukunin ko ulit yan? Ha? Kanina ka pa jan ahh." She warned.
"Wag.." I faked a laugh at sabay kong tinago ang phone sa towel ko.
"Bakit? Ok ka lang ba, girl? Sabihin mo na dali."
"Hay.. Wag na.. Hindi ko na muna isshare sa inyo." I was teasing her. But, actually totoo yun.
"Sus. Bakit nga? Hindi talaga makakapunta?" She kept a straight face pero I know she was just hiding her disappointment on her voice.
"Ewan." I shrugged. Hindi ko naman talaga alam ang sagot sa tanong nya.
"Hay, naku. It's okay. No hard feelings. Andito naman kayo eh. Lahat ng friends ko. Pati rin friends ni Vince." She comforted me with a pat on my back. Alam ko sinasabi niya lang na ok lang para sa kanya. Pero deep inside nagtatampo siya.
It was June 27, 2013, nung gabing iyon. Nasa hotel kami nun. And the day after nun, one of my girl friends, Georgina will be getting married with her long time boyfriend na si Vince. June 28 kasi ang 9th anniversary nila so, they decided na mgpapakasal na sa araw na yun.
"Gee?" I called her, habang magkatabi kami at sabay na nilalamig. Tinitingnan lang namin ang iba naming friends sa pool.
"Oh?"
"Excited kana?"
"Haha. Syempre naman. Pero, I don't know bakit ako kinakabahan." She smiled at me.
"I know right? Nakakakaba kaya yan. You'll be walking on the aisle and everyone will be staring at you." Sabi ko sabay tingin sa kanya. She seemed so happy and I felt relieved. She really deserved to be happy.
"What if hindi sisipot ang groom ko?" She asked in horror.
"Haha praning!"
Tapos sabay kaming tumawa.
"Tara? Ligo ulit tayo?" Tumayo siya. At iniwan ako ulit mag-isa sa inuupuan ko.
After two hours yata, nakabalik na kami sa room. Kasama ko si Bianca. Yung iba kong friends pati si Georgina ay nasa kabilang rooms. Good for two lang kasi ang isang room at eight kaming magkakabarkada. And the boys, well, sa umaga pa sila dadating.
"Matutulog kana?" Tanong ni Bianca sakin habang nagsusuklay ako ng hair ko para magdry agad.
"Hindi pa eh, ikaw?"
"Mejo antok na ako, pero kelangan ko muna ayusin tong kilay ko. Ayukong magmukhang bruha bukas. Panu ba to? Ok na ba to?" Pinakita niya sakin kilay niya at sadya kong pinigilan tawa ko. Nakakaloka kasi hindi pantay. Okay lang naman tignan pero parang may mali.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...