CARLO'S POV
Ilang araw nang hindi kami nagkikita. Ilang araw nang hindi ko siya nakakausap. Ilang araw nang wala akong ganang pumasok. Ilang araw nang malungkot ang puso ko. Ilang araw na ding namimiss ko siya.
Hindi ko kayang hindi siya makita.
Nakaupo lang ako habang tinititigan ang screen ng computer ko. Wala akong ibang iniisip kundi siya lang.
"Hoy!" Bigla akong tinapik ni Sir Marcus.
Nabigla ko.
"Tulala ka na naman. Umayos ka nga. Natapos mo na ba yung sa MegaTown? Bukas na deadline nun." Sabi niya.
Agad kong nireview sa utak ko. Natapos ko na ba yun? Hindi pa yata.
"Ahh.. opo boss." Sagot ko.
"Sige. Kelangan bukas okay na lahat. May meeting ako sa client bukas, ikaw isasama ko." Utos niya.
"Okay po."
Mag-isa akong kumain ng lunch. Hindi ako sumama sa mga tao. Gusto ko mapag-isa. Gusto ko ako lang para maisip ko siya. Kumakain ako pero siya parin ang iniisip ko. Naiisip ko siyang nakaupo sa harapan, naiisip ko siyang kumakain kasabay ako. Naiisip ko siya na kinakausap ako, naiisip ko na tinatawanan niya lahat ng sinasabi ko.
Namimiss ko tawa niya. Namimiss ko yung nakikinig ako sa mga "chika" niya, yun ang lagi niyang ginagamit na term. Namimiss ko yung hinahatid ko siya. Namimiss ko yung sinusundo ko siya. Namimiss ko lahat sa kanya. Namimiss ko na siya.
Para akong mabaliw sa kakaisip sakanya. Ngayon ko lang talaga naranasan tong pakiramdam na ito. Ang hirap pala.
Natatangahan ako sa sarili ko. Kalalaki kong tao, hindi ko magawang lumapit sakanya. Nasa loob ako ng restaurant kung saan kami unang kumaing magkasama. Nakikita ko lang ang opisina nila. Natatanaw ko lang.
Tinitignan ko ang relo ko. Alam kong lunchtime na nila. Kaya hindi ko inaalis ang mata ko sa pintuan nila. Alam ko kasi, lalabas siya dun at makikita ko ulit siya.
12:11nn.... Pero, hindi ko pa siya nakikitang lumalabas.
Para akong baliw.
12:39nn..... Naubos na ang kinakain ko, pero hindi parin siya lumalabas. Ayaw niya yata magpakita. Kelangan ko na din bumalik ng opisina. Hinintay kong mag 1pm bago ako umalis ng restaurant at bumalik.
Pero, wala talaga.
********************************************************************************
KINABUKASAN.........
Maaga natapos ang meeting namin with the client. Buti nalang madaling kausap yung mga Hapon. Maaga akong nakapaglunch break. Hindi ulit ako sumama sa mga tao. Mag-isa ulit ako. Andun ulit ako sa restaurant na yon. Same place, same food, same spot.
12:01nn.. Nakaabang na mga mata ko sa pintuan nila.
Pero, wala.
1:45pm.. Alam kong late na ako. Pero, bahala na. Nagbabakasakali parin akong makita ko siyang lumabas sa pintuang yon.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...