"Maxene! Saan ka pupunta?" Hinahabol parin ako ni Hazel. "Hoy, huminto ka nga."
Halos hindi ko na maramdaman ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok. Nahihingal na ako. Sakit sakit na ng paa ko. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Nakalabas na ako sa may garden.
"Maxene!"
Napahinto ako, kasi nasa dead end na ako. I was catching my breath. Para akong nagmarathon. Sobrang hingal ko, sumisikip na ang dibdib ko.
"Maxene...." Tawag niya. Hinihingal rin siya.
"Hazel, bat mo pa ako hinabol." I asked, still catching my breath.
Tinulak niya ako sa balikat. "Baliw! Hindi ko nga alam kung bakit ka tumatakbo. Para kang nakakita ng multo ah! Ano bang ginawa ng lalaking yun sayo, bat ganyan ka makaiwas?"
I was just ignoring her.
"Hoy, balik na tayo. Hindi pa tayo nakapagregister. WHOO! Grabe, ang bilis mong tumakbo."
"Bat mo pa kasi ako sinundan."
"Naiiyak kana kasi eh." Sabi niya.
Hinarap ko siya. Natouch naman ako sa sinabi niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya ulit. At niyakap ko siya bigla.
"Hazel........" Hindi ko na talaga napigilang umiyak. I was already sobbing.
"Oh... bakit? Kwento ka nga?"
"Nakita ko siya ulit. Nakita ko siya ulit, Hazel."
"Naging kayo ba nun? Diba siya yung lalaking laging pumupunta sa office noon? Bakit? Anong ginawa niya sayo? At bakit andito siya?" Andami niyang tanong.
"Hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya dito."
"Tinanong mo sana siya bat siya andito. Tumakbo ka kasi kaagad eh."
"Ano ka ba?! Iniwasan ko nga siya eh. Pero, Hazel, I think sinamahan niya lang ang gf niya." Sabi ko.
"Ha? May gf siya?" She was surprised. Naitulak niya ako.
"Aray! Oo! Meron. Si Clarisse."
"Ha? Seryoso? Si Clarisse? Yung assistant mo?"
"Oo nga. Sila pala."
She shook her head. "Ang saklap!"
I just rolled my eyes at her.
******************************************************************************************************************
Ayoko na sana bumalik pa sa loob kasi ayokong makita ulit silang dalawa. Gusto ko nang umuwi pero inaalala ko din yung bonus ko. Hindi ko talaga pwedeng ibalewala yun kasi gagamitin ko pa yun sa gamot ni Papa.
I was joking nung sinabi kong sakanila nalang yung bonus ko. Hindi talaga pwede!
I was just glad na kasama ko si Hazel. I was also thankful na hinabol niya ako kasi nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumalik. Pinagaan niya kasi ang loob ko.
Katatapos lang ng first activity namin. Hindi kami sumali ni Hazel kasi napagod kami sa pagtakbo.
Hindi ko na rin sila nakitang dalawa. Baka umuwi. Hindi ko rin nakita si Clarisse. At mabuti naman kung ganun kasi ayoko nang tumakbo ulit.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...