Nakita ko silang dalawa naglalaro. Inggit na inggit ako. Gusto kong sumali pero baka pagalitan ako ni papa. Nakahiga lang ako sa sofa, nakakumot, may bimpo pa ang noo ko. Katatapos ko lang din kumain nun at uminom ng gamot. Tinitignan ko lang talaga silang dalawa. Nakikita ko si Kuya Mac, nagtatago sa likod ng pinto, habang si Kuya Mon naman nakasandal sa dingding at nagbibilang.
"....6,7,8...." Patapos nang magbilang si Kuya Mon.
Biglang umalis si Kuya Mac sa likod ng pintuan at tumakbo papuntang kusina. Parang tumalon ang puso ko. Kinakabahan ako para sakanya kasi patapos nang magbilang si Kuya Mon at hindi pa siya nakahanap ng ibang mataguan.
"....9,10" Ayun, tapos na si Kuya Mon.
Kinakabahan ako para kay Kuya Mac.
Hindi ko na alam kung saan siya nagtatago. Basta alam kong pumunta siya sa kusina.
Tumingin ako kay Kuya Mon, nakahanda na ang baril niya. Yung baril niya na kamay. Naeexcite ako na kinakabahan.
"Magtago ka nang maayos Mac! Huwag kang magpapahuli sakin!" Sigaw ni Kuya Mon. Natatawa ako.
Biglang tumingin si Kuya Mon sakin. "Saan?" He mouthed. Alam niya kasing alam ko kung saan si Kuya Mac nagtatago.
Napailing lang ako. Ayokong sabihin sakanya. Ayokong magalit na naman si Kuya Mac sakin.
Pero, napansin niya yata kung saan ako nakatingin. Nakatingin ako sa kusina, kaya agad siyang pumunta dun. Dahan-dahan siyang gumagalaw. Natatawa ako. Inggit na inggit ako. Gusto ko sumali.
Hindi ko na sila nakita kasi nakahiga lang ako. Bawal ako gumalaw, yun ang sabi ni papa sakin.
Tapos bigla nalang akong nakarinig ng, "bang!" Alam ko boses yun ni Kuya Mon. Nahuli na si Kuya Mac.
"AHHHHHH!!! Bakit mo alam andito ako sa kusina??!" Pasigaw na sabi ni Kuya Mac. Natakot ako. Baka ako ang sisisihin niya. Tago ako sa loob ng kumot.
"Maxene!!!!!! Bakit mo sinabi?!!!" Naririnig ko siya. Palapit na palapit. At bigla nalang niya binaba yung kumot ko. At galit na galit siyang nakatingin sakin.
"Wala akong sinabi, Kuya Mac." Depensa ko.
"Wala na. Talo kana Mac! Hahaha talo! Talo!" Patuloy na inaasar siya ni Kuya Mon.
"Ang daya mo!!!!!" Sigaw ni Kuya Mac sakanya.
Nakikita kong paluha na ang mga mata niya sa galit. Napipikon. Ayaw magpatalo.
"Ikaw naman taya Mac" Sabi ni Kuya Mon sakanya pero panay asar parin.
"Ayoko na!!" Sabi ni Kuya Mac at biglang tumakbo sa loob ng kwarto nila.
Dumating si Papa, nakauniporme. Nadatnan niya si Kuya Mac na tumakbo sa loob ng kwarto.
"Oh... anong nangyayari? Bakit tumakbo yun?" Tanong niya saming dalawa ni Kuya Mon.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...