Chapter 24

10 0 3
                                    

Magdadalawang araw nang nasa ICU si papa. At mag-isa lang akong nakabantay sa labas. Pinauwi ko na muna ang mama ko para naman makapagpahinga. Ngayon lang ulit nangyari sa amin to na may naospital sa pamilya namin. The last time was yung noong nabali ang kamay ng kuya dahil nadisgrasya siya sa paglalaro ng basketball. Pero sobrang tagal na noon at mabuti naman naoperahan agad ang kamay niya at naging okay naman. Pero, this time, iba kasi ang nangyari.



Mahirap pag may dinaramdam kang sakit pero wala kang mapagsabihan. Dalawa lang kami ng mama ko. Malayo rin kasing naninirahan ang mga kamag-anak namin kaya wala kaming masyadong matatakbuhan pag may problema kami, gaya nito.



Walang oras na hindi tumatawag ang mga kuya ko. Pati sila alalang-alala. Mas mahirap yung nararamdaman nila kasi malayo sila at maghihintay lang sa tawag namin para makibalita. Ramdam ko ang lungkot sa mga kuya ko habang kausap ko sila sa phone. Hindi ko alam kung saan kami kukuha ng lakas ni mama.



It was almost 3pm nun nung napatawag ang kuya ko, ang eldest namin.


"Kuya...." Mahina kong sinabi. Halos hindi ako makakapagsalita sa lungkot.


"Kamusta na si papa? Kamusta na kayo jan?" Tanong niya. Nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya.


"Hindi parin siya nagigising." Napalunok ako kasi masakit parin sabihin yung katotohanan.


"Kamusta si mama?"


"Pinauwi ko muna."


"Mag-ingat kayo jan ha? Nagpadala na ako ng pera jan. Tatawagan ko si mama mamaya para ipaalam ko sakanya."



"Okay po. Kuya, please umuwi na kayo....." Hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Takot na takot kasi ako sa nangyayari.



"Oo, Maxene... maghahanap ako nang paraan para makauwi jan." Sagot niya. Alam kong mahirap din ito sakanya.


******************************************************************************************

Nagising ako nang maaga. Mag-isa lang ako sa bahay. Si mama kasi ang nagbabantay kay papa nung gabing yun.



Ayokong pumasok. Ayokong kumain. Ayokong bumangon. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Ang bigat bigat parin ng dinaramdam ko. Hindi ko inexpect mangyari to sa amin. Hindi ko alam kung anong susunod kong gawin. Ang gusto ko lang makita lagi ang papa ko. Pero, kelangan kong pumasok, kasi kelangan namin ng pera.



Panay tawag parin ng mga kuya ko sa akin. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakakausap ko sila.



Kahit labag sa kalooban kong pumasok, maaga parin akong dumating sa opisina. Naiwan ko din kasi ang mga gamit ko kaya dapat akong pumasok.



"Miss Maxene.... kamusta papa mo?" Agad na tinanong ng security guard sa akin pagkapasok ko ng opisina.



"Hindi parin po siya nakakalabas ng ICU." Sagot ko.



"Ahh... magiging okay din ang papa mo. Magpapakatatag lang kayo." Sabi niya.


"Salamat po kuya." I nodded.


Hindi rin ako nakaiwas sa mga katrabaho ko. Tinanong din nila ako tungkol kay papa at iisa lang ang sinasabi nila, magpapakatatag ako. Oo yun naman talaga ang sinusubukan ko. Pero, mahirap.



Lalo akong nanghina nung pinaalam sakin ng boss ko na lilipat ulit ako sa kabilang branch. Muntik na akong mapamura sa harapan niya. Sana hindi nalang ako pumasok.



Broken Hearts HealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon