ONE MONTH LATER........
"Anak, bilisan mo na jan. Andito na ang sundo mo." Katok ni Mama.
"Opo." Sabi ko.
Patay! Hindi pa ako tapos. Hindi pa ako nakapili ng shade ng lipstick na gagamitin ko. Ang aga-aga kasi niya dumating. Tinignan ko ulit yung wall clock ko. He's 20 minutes early! Minsan nakakainis din ang pagiging early bird niya.
Nagpanic na ako. Ayoko kasing maghintay siya nang matagal.
After 5 minutes, kumatok ulit si Mama. "Bilisan mo jan, Maxene."
"Opo, opo." Sabi ko. Naihagis ko tuloy ang tsinelas ko. At agad akong nagsuot ng shoes.
Tiyak maaga na naman ako makarating ng opisina nito. Halos everyday na rin na ako ang pinakamaagang dumadating sa trabaho. Kulang nalang bigyan na ako ng award na Most Punctual.
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako.
Naririnig ko silang nag-uusap ng Papa ko.
Pagkababa ko, tumingin agad siya sakin at ngumiti.
Kahit araw-araw kong nakikita ang mukha niya, hindi parin ako magsasawang tignan siya. Nasanay na rin ako na ang ngiti niya ang nakakapagpabuhay ng umaga ko.
"Oh andito na pala. Sige, lumakad na kayo." Sabi ni Papa.
"Okay po Pa."
"Mag-ingat kayo." Sabi naman ni Mama.
************************************************************************************************************************************
Hindi nga ako nagkamali. Ako na naman ang pinakaunang dumating sa opisina. Nahahawa na ako sa pagiging early bird niya.
"Mamaya, 6:30 kita hihintayin dito sa labas." Bilin niya sakin bago ako bumaba sa kotse niya.
Tumango lang ako.
Tinititigan niya ako habang inaalis ko ang seatbelt ko.
"Max...."
Napatingin ako agad. "Hmm?"
He was just smiling at me.
"Hmm?"
Hindi siya kumibo at patuloy niya lang akong tinitigan.
"Carlo... ano?" I tilted my head to the side, waiting for him to answer.
"Wala.... uhm... mag-ingat ka." Yun lang ang sinabi niya.
"Oh.. oo.. okay." I said. "Ikaw din, mag-ingat ka."
Bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin. Naririnig ko talaga ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya pero dahil sa sobrang lapit na ng mukha niya sakin, nararamdaman ko na ang init sa katawan niya.
Hindi ako nakagalaw at pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Bigla kong naramdaman ang malambot niyang lips sa cheek ko. Mas lalo kong pinikit ang mga mata ko.
It wasn't the first time na hinalikan niya ako sa pisngi. Sa katunayan nga, ilang beses na rin niya itong ginawa sakin. As far as I can remember, mga pang 12th kiss na niya yun. Pero, hanggang sa pisngi lang talaga.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...