Chapter 11

9 0 0
                                    

CARLO'S POV
------------------------------------------

Hindi na nga talaga ako nakatanggi sa alok ng papa niya na ihatid ako. Nakakatakot din kasi eh.

Retired police pala papa niya. Mataas na din ang rank. Ang astig parin tignan kahit mejo matanda na.

Napalunok ako ng laway nung sinabi niyang "para magkausap na rin kami".

What the hell?

Walang pumasok sa isip ko kung ano ang posible naming pag-usapan. Nalungkot lang ako bigla kasi baka ayaw na niyang makipagkita ako sa anak niya.

Gusto pa niyang sumama samin kaya lang ayaw ng papa niya kasi wala daw kasama mama niya sa bahay.

Nakita ko kasi yung takot sa mga mata niya. Para bang siya ang natatakot para sakin. Ilang araw na rin kaming magkakakilala kaya alam ko kung ano na ang tumatakbo sa isipan niya.

Nagpaalam na din ako sakanya kasi nga ihahatid na ako ng papa niya. Nakakalungkot lang tignan, naiwan siya dun. Gusto ko pa naman makasama siya.

Habang umaandar na yung sasakyan, tinitignan ko pa rin siya sa side mirror. Ayun nakaabang parin sa may pintuan nila. Halatang kinakabahan eh. Cute nga tignan eh.

"Carlo...."

Bigla akong napalingon sa papa niya.

"Sir?"

Kinabahan ako.

"Wala ka bang gagawin ngayong biyernes?" Bigla nyang tinanong.

Napaisip naman ako agad kung meron ba akong gagawin. Off ko kasi every friday kaya lang minsan may ginagawa din ako sa mga araw na yun. Kaya inisip ko nang mabuti kung meron ba. Narealize ko bigla, ang tagal ko palang nakasagot. Baka isipin niyang hindi ko siya narinig.

"Ahh.. Eh.. Wala naman sir."

Patay! Nabigla din ako sa sagot ko. Hindi pa nga ako nakapag-isip eh. Natakot lang talaga ako.

"Mabuti naman." Yun lang ang sabi niya. At nagtaka naman ako bat natanong niya yun.

"Ahh.. bakit po sir?"

"Nagyaya kasi yung kapatid ko. May resort sila. Pupunta kami dun ngayong biyernes. Hanggang sunday kami dun. Nagrequest na si Maxene ng leave. Kung papayagan yun, eh sa biyernes kami alis. Kung hindi, sa sabado nalang."

"Ahh..." Yun lang ang nasagot ko. Pero hindi ko parin gets kung bakit niya natanong kung meron ba akong gagawin sa biyernes.

"Gusto mo bang sumama?" Bigla niyang tinanong at napalunok naman ako.

Ha? Pwede ba akong sumama?

"Ahh.. eh..." Nasa isip ko din, kasama siya dun. Tatlong araw din yun! 3days with her!

Nag-isip ako nang mabuti. 3days with her!

"Oh ano na?" Tanong ng papa niya ulit. Napepressure na ako.

3 DAYS WITH HER, CARLO! ENOUGH REASON NA YAN PARA SUMAMA KA!

"Oo! Opo! Pwede naman po akong sumama sa inyo."

Yun nasabi ko rin.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Broken Hearts HealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon