"Hello Carlo?" Sagot ko.
"Oh kamusta kana?"
"Eto, maraming iniisip."
"Bakit? Ano ba yang iniisip mo? Pwede ko bang malaman?"
"Hmmm.. sige. Pero mahirap iexplain. Long story eh." Sagot ko.
"Buti nasagot mo na yung tawag ko. Hindi na kasi tayo nakapagusap ulit eh. Busy ka ba lagi?" Tanong niya.
"Oo eh. Sobra. Nakakapagod na."
"Ahh ganun ba? Hmmm nakakaistorbo ba ako sayo?" Bigla nalang niyang tanong.
"Ngee. Hindi naman. Okay lang."
"Ahh. Gusto mo magpahinga na muna jan?"
"Okay lang ako, Carlo. Marami lang talagang pumapasok sa isip ko. Utak ko lang yung pagod." Sabi ko.
"Ganun ba? Pero, okay lang ba sayo na tumawag ako?"
"Oo naman. Matagal na nga tayong hindi nakapag-usap."
"Oo nga eh....."
"Oo...." Sagot ko.
Biglang tumahimik.
"Carlo?"
"Hmm?"
"Bat bigla kang tumahimik?"
"Ahh. Wala lang. Wala ka yata sa mood?" Bigla niyang tanong. Nagulat naman ako. Gusto ko naman siyang makausap kaya lang mejo pagod lang utak ko.
"Hindi naman noh. Oh kamusta kana?" Tinanong ko naman agad siya.
"Okay lang din. Mejo bored. Gusto ko sanang yayain ka kumain sa labas eh. Kaya lang busy ka."
"Oo nga eh. Sorry, Carlo ah. Babawi ako next time."
"Sige. Hihintayin ko yang next time na yan."
Bigla naman akong napasmile sa sinabi niya.
It was almost 10pm nung natapos yung kwentuhan namin. Buti nalang gumaan mejo ulo ko kasi nakausap ko siya.
Inalok niya ako sa friday. Birthday daw kasi ng kapatid niya. Dun daw kami dinner sakanila. Hmm nag-oo din naman ako kasi gusto ko na rin siyang makausap ng harapan. Marami din akong ikukwento sakanya.
***************************************************************************************************************
The same stress level ang nadatnan ko sa opisina the next morning. Ang sakit na ng ulo ko. Kelangan ko yata ng pahinga. Hindi naman ako pwedeng magleave kasi maraming kelangang gawin sa week na yun. Kaya I have to maintain my energy kahit konti lang.
Overtime na naman. Nakakasawa na. Pati mga workmates ko nawawalan na ng gana.
Mabuti nalang at nakauwi ako agad. Ang lakas pa ng ulan. It finally rained after two weeks of waiting.
Pinaalala na naman ako ng kuya ko about yung deal sa Japan. Minsan naiisip ko ring ituloy. Kasi nahihirapan na rin ako sa work ko. Pero alam ko din namang mas maging mahirap ang buhay ko dun.
Hindi pa naman ako sanay na mabuhay nang mag-isa. For 22 years, I've been living with my parents and I can't even imagine myself living alone in a different life. It would be a massive change for me.
Kahit andun ako sa kuya ko maninirahan, eh kilala ko yung kuya ko. Talagang pababayaan lang ako nun hanggat matututo ako. It may be a good thing pero I still can't imagine myself in there.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...