Chapter 04

17 1 0
                                    

Maaga kami natapos nung araw na yon. Diretso ako sa bahay kasi sumakit bigla ulo ko. Baka resulta na to sa drama ko kagabi.

"Buti maaga ka ngayon." Sabi ni papa pagkatapos kong nagmano sakanya.

"Masakit ulo ko."

"Sige, magpahinga ka ng maaga ngayon."

Maaga din kami nagdinner nila mama. Kaya maaga akong nakapagpahinga sa kwarto. Malamig sobra. Nakapajama ako kahit hindi naman ako mahilig magpajama.

I tried to use my laptop. Gusto ko manuod muna ng movie. Pampaantok.

Everytime maghihiwalay kami ni Gab, hindi ako nag-oopen ng facebook kasi takot ako makita kung ano na nangyayari sa buhay niya. Ayukong makitang may iba na siya. Yun ang pinakakatakutan kong makita.

Nagyoutube ako. Nagsearch ako ng movie yung full version.

Naglog-in din ako sa yahoo mail.

Nakita ko na ang movie na panunuorin ko. Nakaupo ako sa bed ko, nakakumot.

The movie started. Nakafull screen pa.

Natawa ako sa first scene.

Nang biglang nagLag yung laptop ko. Tas maya't maya, bumalik ulit. Inescape ko para maexit. Yun pala may dumating na message sa yahoo mail ko.

Agad kong tinignan.

Carlo Jefferson Ramirez

Hala! Si Carlo.

Inopen ko agad yung message nya. "Hello! Goodevening!"

Napasmile naman ako bigla. Agad akong nagreply. "Hi, Goodevening! :)"

At nagreply naman agad. "Can I get ur number? plsssssss?"

Napasmile na naman ako. "Okay, sure. 09094289462"

Hindi na siya nagreply agad. So binalik ko yung movie. Full screen ulit. Nakakatawa pinapanuod ko. Parang sira yung bida eh. Naku mahihirapan akong makatulog nito. Nageenjoy ako sobra eh.

Hindi ko namalayan, 30 minutes na pala ang lumipas. Narealize ko, hindi na nagreply si Carlo. Nalungkot ako bigla. Baka nakatulog na yun, iniisip ko nalang. Kaya naglog out nalang din ako sa yahoo.

Past 9 na nung malapit na matapos yung movie. Hindi pa talaga ako inantok. Nawala din naman ang sakit ng ulo ko. Nagenjoy kasi ako sa movie. Buti nalang din.

Bigla nalang nagvibrate phone ko sa may paanan ko.

Agad kong hininto yung movie. At napahawak sa dibdib ko. Nagulat ako at bigla akong kinabahan. Sino ba yung nagtext? Si Gab? A part of me was hoping na siya. Pero I know hindi yan mangyayari. Almost one week na kaming hiwalay. Hindi na yun magpaparamdam sakin.

Dahan-dahan kong inabot yung phone ko sa paanan ko.

At nakita ko ang unknown number sa screen.

At tska ko binuksan yung message.

"Hi"

Agad naman akong nagreply. "Hello. Who's this pls?"

Wala pang ilang segundo, nagreply na agad. "How are you partner?"

Ay alam ko na to. Alam ko na kung sino to.

"Haha Carlo!" Reply ko.

"Who's Carlo?"

"Sus!" I replied.

"Haha anong sus?"

"Sus Carlo sus!" Natawa pa ako habang sinesend yun.

Broken Hearts HealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon