Maaga ako nagising. Mejo ok naman ang pakiramdam ko. Maaga rin ako dumating sa opisina. Ang daming tao. Monday kasi eh.
"Max, kulang yung kabilang branch. Pwede ikaw?" Biglang tanong ni sir sakin.
Ohhh. Not again. Ayoko pa naman dun sa branch na yun.
"Okay, sir." Tumango nalang ako.
*******************************************************************
"Maxene, pakitapos nalang din to ah?" Sabi ni Miss Vina.
"Oo, pati na rin to Max ha?" Utos naman ni Sir Simon.
"Ok po, miss, sir."
I inhaled deeply. Grabe naman sila. Hindi nga ako taga doon eh kung makapag-utos sila, grabe naman. Wala ako magawa kundi sundin lahat.
It was already 12. Lunchbreak na. Hindi kasi ako sanay kumain na kasama sila. Kaya lumabas ako. Pwede naman eh. Kahit 30 mins lang ok na. Sa fastfood resto nalang siguro ako.
Pagkabukas ko sa door ng fast food resto, nakita ko si Bianca. Kasama niya boyfriend niya.
Agad ko silang nilapitan.
"Biancs! Aaron!" Tawag ko sila.
"Uy, Max. Ikaw pala yan. Sino kasama mo?" Tanong ni Bianca.
"Mag-isa lang ako. Lunchbreak eh. Kanina pa kayo dito?"
"Baguhan lang." Sagot ni Bianca.
"Lika, Max. Samahan mo na kami." Alok ni Aaron sakin.
Buti nalang may isang vacant seat pa. Marami kasing tao. Lunchtime kasi yun eh.
"Sige sige. Wait lang, order muna ko."
*********************************************************************
"Max, may kwento ako sayo." Sabi agad ni Bianca pagkabalik ko sa table nila.
"Oh ano yun?"
"Sabi ni Aaron, nakita niya daw si Gab."
Bigla akong napalunok ng laway. Haaaa???
"Oh t-tapos?" I stuttered.
Bigla akong kinabahan.
"Oh, babe. Kaw na magkwento." Sabi ni Bianca kay Aaron. Si Aaron naman mukhang kinabahan din. Tumingin si Aaron sakin, parang namutla.
"Ahh... Eh.. Ganito kasi yun...." Sabi niya.
"Sige, makikinig ako."
"Papasok na kasi ako nun sa opisina, nakita ko yung sasakyan niya nakastop malapit sa building namin. Tapos biglang lumabas si Gab. Akala ko nga mag-isa lang siya sa loob. Yun pala, may babae siyang kasama."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o maging reaksyon. Nangyari na nga ang kinakakatakutan ko. Ang malaman na may iba na nga siya. At may nakakita pa.
"Kelan to nangyari?" I asked, controlling my emotions.
"Last week yata yun."
"Ano hitsura ng babae?" Tanong ko. Nanggigil na ako.
"Hindi ako sure ah, pero I think workmate nya yun." Sabi ni Aaron.
"Ahhhh.." Sabi ko, habang nakatitig ako sa pagkain ko. "Maganda ba?" Hindi ko na talaga napigilan.
"Hahaha. Naku. Mas maganda kapa." Sagot naman niya. Eii di naman ako naniniwala.
"Sus."
"Oo girl, mas maganda kapa. Nagstalk kasi ako. After sinabi ni Aaron sakin yun." Hirit ni Bianca.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...