Yung taong hindi boring kausap. Yung laging nagpapatawa. Hay, nakakadagdag ng pogi points.
It was already 12:34 midnight nung natapos ang pag-uusap namin ni Carlo. Baliw talaga yung taong yun. Dis oras ng gabi, pinapatawa pa ako. Grabe. Sarap kausap ni Carlo. Mawawala talaga stress mo.
Siya rin ang nakiusap sakin na matulog na. Sinabi ko sakanya hindi pa ako antok. Pero, pinapatulog na niya ako. Sabi niya rin magkikita nalang raw kami ulit para makwento pa niya yung iba. Hindi kasi yun nauubusan ng kwela eh.
Kaya sabi ko sige magkita nalang kami ulit pag may time.
***************************************************************************************************************
"Kamusta pakiramdam mo, Max?" Tanong ng Manager ko.
"Okay na ako, sir. Salamat."
"Sige. Pwede ka na ba mag-overtime today?"
"Oo, sir. Pwede."
Ayun nag-overtime ulit kami. Daming inasikaso kasi eh, lalo na pag friday.
It was almost 7 nung bigla akong tinawag ng security guard.
"Miss Maxene? May naghahanap sayo."
"Ha? Sino yun kuya?" Tanong ko.
"Carlo Ramirez daw. Nasa labas siya." Sagot niya.
HA? Si Carlo? Nasa labas? Hinahanap ako? Bakittttt????
"Sige kuya. Salamat." Sabi ko at agad naman akong lumabas.
Andun nga siya. Nakajeans, nakahoodie ng grey, nakasneakers tas nakasandal sa wall ng building.
"Carlo?" Tinawag ko siya agad.
"Max!" Sabi niya at lumakad naman siya patungo sakin.
"Uy, bat ka andito?"
"Wala lang. Hindi pa kayo tapos?" Tanong niya.
"Eh hindi pa eh. Bakit?"
Bigla na akong kinabahan. Nagtataka ako bat andun siya.
"Kain tayo labas."
***************************************************************************************************************
"Ano gusto mo?" Tanong niya habang nagaantay ang waiter sa order namin.
"Hmmmmm... Ito."
Nasa restaurant na naman kami. Pero ibang resto naman. Siya na ang pumili. Pumayag ako sa alok niya kasi kawawa naman kung tanggihan ko eh pinuntahan naman talaga ako sa opisina at naghintay pa ng isang oras bago kami natapos.
"Walang magawa sa bahay?" I teased habang naghihintay kami sa order namin.
"Haha. Meron naman kaso gusto ko lang lumabas." Sagot niya.
"At dinamay mo pa ako."
"Haha sige na. Wag na magalit."
"Di naman ako galit. Kaya lang, ang hilig mong maghintay sa labas. Hindi ka ba napapagod? Pwede ka naman pumasok eh." Sabi ko.
"Hmm mas gusto ko sa labas. Para hindi ka mapressure. Pag andun ako sa loob, eh alam ko mahihiya ka sakin at pipilitin mong matapos agad sa ginagawa mo. I just want you to take your time." Paliwanag niya. Hmm may point naman siya. And he's so nice.
"Pero, sana tinext mo ko na may plano ka pala. Para nainform na kita agad na mag-oovertime ulit kami. At hindi ka naghintay sa labas. Pwede naman dito tayo magkikita eh."
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...