Chapter 23

17 0 1
                                    

"Oh? Anu na?"



Hindi parin ako nakapagsalita.


"Bibigyan kita ng isang linggo. Huling linggo para makapagdesisyon kana.


Wala parin akong sinasabi.


"Hoy, ano? Nakikinig kaba sakin, Maxene?"



Naku!


"H-ha? Oo.. oo kuya..." Nagulat ako. I know he's mad when he calls me by my first name.


"Ilang beses na tumatawag sakin yung Hapon, humihingi ng update sayo. Basta yung sabi ko sayo. Isang linggo, Maxene....... isang linggo..." Sabi ng kuya ko.


It was already 10 in the morning that day, nang bigla akong tinawagan ng kuya ko sa phone.



"Oo.... oo kuya... iisipin ko nang mabuti." Naguguluhan na ako.


"Basta sundin mo yung sinabi ko sayo." Muli niyang paalala.


"Oo.."


Gulong gulo na ako. Ang dami ko pang ginagawa at iniisip sa opisina, dumagdag pa yung kuya ko. Hay. Hindi ako makapag-isip nang mabuti lalo na't nasa kabilang branch na naman ako. Hindi pa rin dumating yung assistant kong si Clarisse. Napapadalas na yata ang pagleave niya. Akala ko ba baguhan lang siya, bakit pwede na siyang mag-absent ng ilang araw.


Late na akong nakauwi ng bahay kasi nag-overtime ulit kami. Hindi na ako nag-eenjoy sa ginagawa ko. Gusto ko ring gumawa ng iba. Gusto ko magbago.


"Anak, tumawag pala ang kuya mo kanina. Pinapaalam niya yung tungkol sa alok ng kaibigan niya dun sa Japan." Sabi ni mama habang sabay kaming kumakain.


"Ahh.. oo nga ma. Tumawag din siya saken."


"Ano ba talaga plano mo, anak?" Bigla akong tinanong ni papa.


Hindi ako nakapagsalita. Oo nga noh? Ano nga ba talaga ang plano ko sa buhay? Napaisip ako.


"Basta anak, kung ano man ang desisyon mo, susuportahan ka namin ng mama mo."



**************************************************************************************


It was almost midnight pero nakatutok parin ako sa screen ng laptop ko. Naisip ko kasi yung sinabi ni papa. Alam kong gusto rin nilang makapagtrabaho ako na may malaking oportunidad at mas malaki ang sweldo. Sino ba namang magulang ang hindi mag-iisip ng kabutihan para sa kanilang anak?


Magandang chance nga yun sakin kaya agad akong nagresearch. Binigyan kasi ako ng kuya ko ng listahan na kelangan kong gawin o matutunan bago ako tutuloy dun.


Pinag-aralan ko yung kultura nila. Siyempre, inalam ko din kung paano ko magagawa nang maayos yung trabaho ko dun kung sakaling itutuloy ko.


Nasabi na rin ng kuya ko na sa bahay niya ako tutuloy. Okay na din yun at matutulungan niya din ako.


Hindi na rin kasi ako nasisiyahan sa trabaho ko. Parang hindi ko yata naapply yung natutunan ko nung estudyante pa ako. Dapat may pangarap din ako. Yung pangarap na malaki. Yung alam kong mas makabubuti sakin.


Maghihintay lang ako ng tamang panahon at oras para makapagdesisyon.



Walang pasok kinabukasan kasi sabado, kaya I had a lot of time to think, reflect and research. Bago ako magdesisyon, kelangan kong maghanda kasi alam kong pag magdedesisyon na ako, there's no turning back.



Broken Hearts HealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon