Ang daya talaga ni Papa. Sinekreto pa niya sakin.
Ikinuwento kasi ni Carlo yung nangyari. Niyaya daw siya ni Papa na sumama samin dun sa resort nung time na hinatid siya sakanila. At hindi pa niya talaga pinaalam sakin kasi yun daw ang bilin ni Papa sakanya.
Hmm daya. Marunong palang magsekreto si papa. Galing nga eh kasi hindi ko talaga nahuli na may plano pala siya.
Yun lang ang sinabi ni Carlo sakin kaya after nun, we decided to sleep na kasi mejo late na din kasi nun. Kaming dalawa na lang ang gising.
Hinatid na niya ako sa room namin ni Agnes.
"Max?"
"Oh?" Sagot ko sabay bukas ko ng pinto namin.
"Hehe. Wala lang." Napakamot siya sa batok niya.
"Hmm. Sus. Bakit?"
Nahihiya pa siya eh.
"Wala nga. Sige na tulog kana ah?" Utos niya. Hilig talaga mang-utos ng taong to.
"Oo na po, Sir." Sabi ko at napatawa lang siya.
"Sige, pasok na. Lock mo pinto. Magbrush muna kasi ang dami mong kinaing Mang Juan kanina. Pagkatapos, matulog na agad. Huwag ka nang maglaro ng Candy Crush." Bigla niya lang sinabi.
Napatulala ako sa narinig ko. BAT NIYA ALAM LAHAT?!
"Ha? Ngee? Bat mo alam?" Lumabas ulit ako at sinara yung door. Nagulat kasi ako sa narinig ko.
"Ha? Bakit naman hindi ko
malalaman?" Tanong niya."Eh halos hindi mo na nga ako pinapansin kasi panay inom tas tawa lang kayo ni Agnes. Hindi mo nga ako kinakausap, halos hindi mo nga ako tinitingnan. Kasi enjoy na enjoy ka kay Agnes kaya nakalimutan mo na ako---"
I suddenly stopped. Tinakpan niya lang bigla yung bibig ko ng kamay niya. Napatigil naman ako.
"Sssshhh.." He silenced me. "Hindi mo lang alam." Sabi niya tas biglang nagsmile.
Inalis ko yung kamay niya sa bibig ko.
"Hmmm. Hindi mo nga ako tinitignan eh. Kawawa nga ako dun eh." Sabi ko.
"Haha. Hindi mo lang talaga alam. Oh sige na. Sleep na after ha?"
"Okay." I shrugged.
"Sorry." Sabi niya.
"San?"
"Kung yun man ang naramdaman mo kanina." Sagot niya.
"Okay lang. Basta nag-enjoy ka." I just smiled. Yun din naman ang totoo. Gusto ko lang din siyang mag-enjoy eh.
"Sus. Oh sige. Tulog kana para maaga ka gising bukas. Babawi ako sayo bukas okay?" Bigla niyang sinabi sabay thumbs up.
"Okay." Nagthumbs up na rin ako.
***************************************************************************************************************
Nagising ako bigla. Hindi ko alam kung anong oras na yun. Pero alam kong umaga na kasi sumikat na yung araw.
Lumingon ako sa bed ni Agnes. Wala na siya dun.
Daya naman tong Agnes na to! Di man lang ako ginising.
Tumayo ako agad. Naligo tas nagbihis. Mejo gutom na. 8:37am na pala yun nung natapos na akong magbihis.
Lumabas ako agad ng kwarto. Wala akong nakitang tao.
Asan kaya sila?
Naalala ko agad si Carlo. Gising na rin kaya yun?
Agad naman akong pumunta sa room nila.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...