Chapter 28

10 0 0
                                    

CARLO'S POV


"Babe, saan tayo pupunta?"


Hindi ako sumagot. I was just focusing on the road. Baka kasi mainis pa ko.


"Baaaabe... san mo ba ko dadalhin? Ikaw ha.... surprise ba to?"


Hindi parin ako sumagot.


"Carlo.... uy.. ano? May plano ka ba para sakin?" This time hinahaplos na niya ang kamay niya sa braso ko. "Aaahh.. ang sweet mo talagang bf!" Sabi niya sabay kiss sa pisngi ko.


Hindi parin ako umiimik. Hindi ko alam kung manhid ba siya o sadyang tanga lang talaga. Hindi parin niya ba nararamdaman?


Napalunok ako. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Tuyong tuyo na ang lalamunan ko. Hindi ko kasi alam kung tama ba tong gagawin ko sakanya.


Patuloy parin akong nagmamaneho habang nilalapit niya ang katawan niya sakin at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.


Nasasakal na ako. Pagod na ako sa pagtatago ng nararamdaman ko. Hindi ko narin kayang saktan pa siya.


Tinignan ko yung oras. 7:54pm na.


Alam kong kelangan ko nang gawin to habang maaga pa.


Ilang linggo ko na rin tong pinag-iisipang gawin kaya lang busy siya lagi kaya laging nauudlot yung plano ko. Pero, this time, ito na yata ang tamang panahon para sabihin sakanya lahat.


Ilang minuto ang nakalipas, papalapit na kami sa lugar na pupuntahan namin.


"Hmmm.. babe, san tayo pupunta? Hmm papunta na to sa apartment ko ah.." Sabi niya. Buti naman at napansin na niya.


Maya't maya, nakarating na kami sa labas ng gate. Hininto ko yung kotse ko. Parang sasabog na ang puso ko sa kaba. Ilang araw ko nang pinaghandaan to pero mahirap pala talagang gawin sa harapan niya.


This time, tinignan ko na siya. She looked confused.


"Babe? Bakit? Iuuwi mo na ako?" Namutla siya. Parang naiiyak.


Gusto kong pumikit kasi hindi ko kayang tignan siyang umiiyak. Alam ko kasing iiyak talaga siya.


"Babe... Carlo... ano... ano ba to?" Her voice was shaking. Yung puso ko parang dinudurog. Alam kong mahirap pero kelangan ko na talagang gawin to.


"Clarisse....." Yun, nasabi ko na ang pangalan niya.


"Hmmm?" She said, looking at me with a straight face.


"I'm...... sorry. Gusto ko nang makipagbreak sayo." Sabi ko at agad na pumikit.


Yumuko ako at pinipikit ang mga mata ko. Hindi ko kayang tignan siya. Naririnig ko lang yung paghinga niya. Napakabilis. Hindi siya gumagalaw.


1...2...3...4...5...6...7...8...9...10.... I was waiting for her to slap me. Or shout at me. Or get out from the car.


Pero wala. Walang nangyari.


11...12...13...14...15.... Pero wala parin.


Dahan-dahan kong minumulat ang mga mata ko. Hindi nga siya gumagalaw.


Broken Hearts HealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon