I was sitting across them habang nag-iinuman sila. Yung feeling na parang na out of place ka kasi hindi ka kasali? For boys lang daw kasi sabi ng kuya ko.
Siya, si Carlo, si Papa tas yung dalawa kong tito.
Okay.
Hindi nga ako pwede sumali. Hindi rin naman ako iinom kaya dun nalang ako sa likod.
Tinitingnan ko lang sila. Lalo na si Carlo. Naawa ako eh. Parang na "hot seat" kasi. Si kuya kasi eh! Tsk. Sinabi ko nang magkaibigan lang kami. Eh hindi naman naniniwala.
Tinanong pa niya kung saan at kelan kami nagkakilala. Tinanong pa niya ang family background. Grabe. Nakakahiya na kay Carlo.
Hindi ko kasi pwedeng iwan si Carlo. Lalo na't alam kong si kuya ang kasama niya.
Nakakakaba kaya yun. Seeing him with your oh-so-very-nice na kapatid.
It was almost midnight pero ang sarap parin ng kwentuhan nila. Wala akong ibang ginagawa kundi nakabantay lang. Pansin ko nag-eenjoy naman si Carlo.
Kaya lang yung kuya ko, halatang iba parin ang iniisip. Pero, bahala siya. Kung ayaw niya maniwala, eh di wag. Problema na niya yun. Tigas kasi ng ulo. Sinabi ko nang magkaibigan lang kami. Panay tanong parin kay Carlo.
Bigla na lang tumayo si kuya at nakita ako dun sa likod nila. "Oh... ikaw.. bat gising kapa?"
"Hindi pa ako inaantok."
"Eh. Ano bang ginagawa mo jan? Pumasok kana sa kwarto mo." Sabi niya. Halatang tinamaan na.
"Maya na."
"Binabantayan mo ba tong kaibigan mo? Kaya ayaw mo pang matulog?" Bigla nyang tanong.
Patay!
"Hindi ah. Basta. Maya na ko tulog."
***************************************************************************************************************
Alas dos na ng umaga nung natapos na sila. At ako din pumasok na rin ako sa kwarto. Mejo okay naman si Carlo. Hindi yata marami nainom niya kasi okay pa naman siyang tignan. Unlike yung kuya ko. Parang sabog kung makainom.
Lasinggero kasi yun. Dati pa. Ewan kung nagbago na ba. Pero, parang ganun parin naman.
It was a very long day for me. Daming nangyari sa araw na yun. Nagalit, napaiyak, naasar, lahat na lang nagawa ko.
I woke up on a Sunday morning. It was already 6am nun pero mejo makulimlim yung langit. Mukhang uulan.
Wala na naman si Agnes sa tabi ko. Ewan kung saan na naman yun nagpunta. Ang aga aga niyang gumigising.
Lumabas ako ng kwarto. At nakita ko si Agnes. Ayun magkatabi na naman sila ni Carlo.
Hindi ko rin inasahang maaga rin nagising sa araw na yun si Carlo. Kaya agad ko silang pinuntahan.
"Hey, Max. Good morning." Bati ni Agnes.
"Hello." I faked a smile.
"Max, gising kana pala. Hinintay kita." Sabi naman ni Carlo.
"Ang aga mo namang nagising." Sagot ko habang nakatayo ako sa harapan nila.
"Oo nga eh. Gusto ko lang sana makita yung sunrise kaya lang mejo makulimlim ngayon." Sabi niya.
"Yuh.. actually, we both waited for the sunrise. We've been waiting for like an hour already. Right Carlo?" Sabat naman ni Agnes.
"Ahh.. oo.. hehe..." Pati rin si Carlo mejo nahahalata na yung kinikilos ni Agnes.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...