I woke up on a Wednesday morning. Nakapikit pa lang ako, ramdam ko na ang pamamaga ng mga mata ko. Sana hindi nalang ako nagdrama nang sobra kagabi, naisip ko.
I started to the bathroom para maligo na. And hindi na ako nagulat pagkakita ko ng mukha ko sa mirror. Namamaga nga! Hahay!
And narealize ko, ganito ako dati, nung hindi pa ako nakamove on kay Gab. I thought hindi ko na mararanasan ulit yung magddrama sa gabi. Akala ko magiging okay na ako. Pero, ibang problema na naman hinaharap ko. Ang saklap pa, yung kaibigan ko ang iniiyakan ko.
All I wanted was to stay home and do nothing. Gusto ko sanang umabsent kasi alam kong mababadtrip na naman ako sa opisina. Napansin ko kasi, parang the whole month, hindi na ako nasisiyahan sa ginagawa ko everyday. Nakakatamad, nakakapagod, nakakasawa. Naisip ko, baka pwede akong gumawa ng bago. Bagong routine.
"Maxene! Kumain kana dito. " Sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
"Oo, maliligo na po ako." Sagot ko.
Ang aga ko dumating sa opisina. Nakakainis. Sinadya ko ngang magpalate kasi tinatamad ako. Pero, ang aga ko parin dumating.
9am nun nung nilipat ako sa kabila. Hindi ko pa naman gusto yung mga tao dun. I am always left out pag andun ako.
"Uhmm.. Hi.." Biglang may kumalabit sakin habang may inaayos ako sa table.
Lumingon ako at nakita ang isang babae. She was wearing the same uniform as mine pero first time ko pa siyang nakita. Bago yata.
"Uh.. Hello." I returned her smile.
"I'm Clarisse. Bago po ako. And you are Miss Maxene, right?" She asked. Tama nga bago nga siya. I assumed she's just a little younger than me.
"Oh.. Oo." I nodded.
"I was told po kasi na sayo daw ako mag-aassist ngayon." Sabi niya.
"Ahh. Really? Okay. Thank you."
"Okay po. Tell me lang po kung ano ang dapat kong gawin." Sabi niya.
********************************************************************************************
Nakasabay ko na rin si Clarisse kumain ng lunch. Nalaman ko 1 month palang siyang pumasok. Galing raw siya sa isang networking company. Pero mali pala ako, she was a year older pala saken. Mabait naman siya kaya lang mejo madaldal pero okay na rin para hindi ako antokin.
Almost 1pm narin yun nung nakabalik kami ng opisina. Nakabalik na kami pero panay kwento parin niya. Naikwento rin niya yung about sa ex niya. Wala naman akong pakialam sa lovelife niya pero nakikinig nalang ako kasi naisip ko rin mabuti na rin tong ganito kasi may nakakausap pa ako.
"Mahal ko pa naman siya Miss Maxene. Sa katunayan nga nakipagkita ako sakanya ng isang beses. Pero hindi niya ako sinipot." Kwento niya saken habang nakaupo kami in one table at nagttype sa computer.
"Ganun ba? Bakit naman hindi ka niya sinipot?" Tanong ko nalang din.
"Hindi ko rin alam. Pero, I think may iba na yata siya." Sagot niya. Hindi man ako nakatingin sakanya habang sinabi niya yun pero ramdam ko yung lungkot sa boses niya.
Agad akong lumingon sakanya. She was teary-eyed. I could see myself sakanya. Ganun din ako. I've been there once. Alam ko yung pakiramdam ng hindi sinipot. At alam ko yung pakiramdam pag yung mahal mo ay may mahal nang iba.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...