"Max?"
"Hmm?"
"Kamusta ka?" Bigla niyang tanong. Napatingin ako sakanya.
"Ha? Bat mo naman ako kinakamusta? Kanina pa tayo magkasama noh." Natawa naman ako sa tanong niya.
Nakaupo kami sa upuan na nilagay ni papa sa gilid ng bahay. 20minutes na ang nakalipas pero hindi pa dumating sila mama.
Sinabi ko na kay Carlo na pwede niya naman na akong iwan dun total nasa bahay naman na ako, nasa labas pa nga lang pero ok na yun kaya ko na sarili ko.
Pero, as usual, alam mo na si Carlo.
Kaya kasama ko siya naghintay. Buti nalang may upuan kasi kawawa naman.
"Eh.. Wala lang gusto ko lang malaman kung kamusta kana."
"Ngee.. Anong kamusta? Ang alin?" Napatitig ako sakanya. Bigla kasing naging awkward.
"Hmm wala lang. Basta, sige nevermind." Sabi niya sabay ngiti.
"Sus." Sabi ko.
***************************************************************************************************************
"Hahaha. Grabe naman yun."
"Oo nga eh. Di ko rin inexpect yun."
"Sus. Pero sinadya mo naman yun eh." Patawa kong sabi.
Naku it was almost 12 na pero nagtatawanan pa rin kami. Buti nalang hindi masyadong magkalapit ang mga bahay dito samin kundi baka kanina pa kami binato.
Si Carlo kasi eh!
"Naku! Anong oras na. Umuwi kana kasi eh." Sabi ko.
"Maya na."
"Baka hinahanap kana sa inyo."
"Hindi yan."
"Sige na ah. Okay na ako dito. Ako na maghihintay sa kanila."
"Sige lang. Samahan na kita." Pilit niyang sabi.
"Hay ewan ko sayo Carlo. Mabait ka lang ba or sadyang matigas lang talaga ulo mo."
"Haha. Hayaan mo na ako." Sabi niya.
***************************************************************************************************************
Nagkukwentuhan pa rin kami nang biglang dumating ang sasakyan ni papa.Hay salamat at dumating na rin!
It was already 12:54am. Grabe almost 2 hours din kami naghintay. Napahinto kami sa kwentuhan namin at tumayo para salubungin ang parents ko.
"Good evening po." Bati niya agad pagkalabas ni mama sa sasakyan.
"Good evening din sayo, iho." Sabi ni mama.
"Ma, buti dumating na kayo."
"Pasensya na sayo, Carlo. Naghintay tuloy kayo ng dalawang oras dito sa labas. Ito kasing si Maxene. Tinext ko naman siya kanina, eh hindi pala niya natanggap. Hindi rin niya dinala susi nya." Sabi ni mama. At bigla akong nahiya at naawa kay Carlo. Kasalanan ko talaga to.
At lumabas na rin si Papa sa sasakyan niya. At nagbatian sila ni Carlo.
"Salamat Carlo ha at sinamahan mo muna itong si Maxene." Sabi ni mama ulit.
"Ay walang anuman po, maam. Naawa din kasi ako sakanya kung mag-isa siyang maghihintay dito. Delikado rin."
Sagot naman ni Carlo.At biglang uminit yung mukha ko. Hmm....
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...