"Hello?"
"Max? Sa Thursday birthday ni Vince. Punta ka sa bagong bahay. 7:30pm. Okay?"
"Okay, Gee. Thank you!"
"Punta ka ha?"
"Oo naman."
"Alright. See you! Bye!"
"Bye!"
30 minutes nalang ang hihintayin ko at atat na atat na akong umuwi. Hindi kasi masyadong matao ang office kaya I had a lot of idle time at mejo nabored ako nun.
Minsan naiisip ko pa rin yung deal ng kuya ko saken. What if mag-oo ako dun? Ano kaya ang magiging buhay ko dun? Makakatulong ba sakin yun? O baka mas mahirapan ako?
"Maxene!" Bigla akong tinawag ng boss ko.
"Sir?" Agad naman akong tumayo.
"Bakit hindi pa to natapos?"
"Ano po sir?"
"Ito. Diba sabi ko sayo kung hindi mo kayang tapusin, eh wag mong pakialaman." Sumbat niya sakin.
Nabigla ako at hindi nakapagsalita.
"Oh? Anong tinutunganga mo jan? Tapusin mo na to! Sinasayang mo lang ang oras ko eh!" Sigaw niya at nilagay yung papers sa table ko.
At agad siyang umalis at pumasok ulit sa room niya.
It was the very first time na sinigawan ako ng ganun. Nakakahiya, nakakatampo.
Gusto kong umiyak lalo na nung tinitingnan na ako ng lahat ng tao sa loob ng office.
Kinuha ko yung papers at tinignan. Napansin ko hindi pala sakin yun. Hindi pala ako ang gumawa nun. Napaluha ako. Bakit ganun? Bakit sinigawan niya ako agad nang ganun eh hindi pa nga niya alam kung kanino yun? Hindi naman sakin yun. Hindi sakin galing yung mga yun.
Nakakainis, nakakahiya, nakakadismaya. Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.
"Max? Okay ka lang?" Tanong ni Hazel sakin habang hinihimas niya likod ko.
There were about six people inside the office. All of them were staring at me. Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin kaya umalis ako sa kinatatayuan ko at pumasok sa loob ng cr.
************************************************************************************************************************
"Bakit hindi mo siya kinausap? Sana sinabi mo sakanya na hindi galing sayo yun."
"Nabigla ako sa nangyari. Nahiya ako sa ibang tao." I said, rubbing my forehead.
"Kahit na. Baka maisip ng iba kasalanan mo nga yun."
"Hindi ko lang talaga inasahan yun. Nahiya ako kaya tumakbo ako sa cr." Naiiyak pa rin ako kapag naiisip ko yung incident na yun.
"Oh sige na, tahan na. Okay lang yan. Bukas sabihin mo yung totoo sa Sir mo ha?" Sabi ni Carlo.
Agad ko kasi siyang tinawagan nung pagpasok ko ng cr habang umiiyak. Siya ang una kong naisip na kausapin kasi alam kong makikinig siya sakin.
It was already 7pm nung nakipagkita siya sakin sa isang coffee shop. Namamaga pa rin ang mga mata ko nung nagkita kami. Halatang worried din siya. Eh kasi umiiyak ako nun nung tumawag ako sakanya. Nahiya nga ako kasi nakaabala pa ako sa kanya sa work niya.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...