Chapter 22

13 0 1
                                    

CARLO'S POV



Hindi na talaga ako mapapalagay. Naexcite ako sa sinabi niya. Pupunta ako ulit sa bahay nila. Baka sign na yun.



Sana nga.


5:30pm pa lang, nakapagready na ako. I was too excited na pati mga katrabaho ko napapansin nila yung ngiti ko. Nakakahiya. Bullshit!


"May date yata ahh." Panay tukso ni Albert sakin.


"Wala."


"Eh may pasmile smile ka pa jan. Makakascore ka ba ngayon?" Tukso niya.


"Wag ka nga jan, gago!" Hinagis ko yung neck pillow ko sa mukha niya at panay tawa lang niya.


"Uy, ikwento mo samin kung ilang rounds kayo umabot ha!" Sigaw naman ni Eric at sabay sabay silang tumawa lahat.


Gago talaga tong mga to!


Hindi ko na sila pinansin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ilang beses na akong nakapunta sakanila pero parang may iba sa araw na yun.


7pm kasi uwian nila. Kaya 6:45pm pa lang, andun na ako. Nakapark lang sasakyan ko sa tapat ng building nila. Hinihintay ko siyang lumabas habang nasa loob ako ng sasakyan.



Nakita ko na yung boss nila na lumabas. Naalala ko tuloy yung sinabi niya sakin. Siya yung dahilan bakit umiyak siya. Sarap hampasin yung mukha ng gago eh. Dapat siya yung huling umuwi kasi siya ang manager.



Yung ibang mga katrabaho niya, lumabas na rin. Isa, dalawa, tatlo na ang lumabas. Wala pa rin siya. I was tapping my fingers on my steering wheel. Wala parin siya. 6:57pm na nung chineck ko ulit yung clock sa dashboard.


Tas pag tingin ko ulit sa glass door nila, andun na siya. Nakita ko na siya, nakayuko, parang may hinahanap sa loob ng bag niya. Maya't maya kinuha niya cellphone niya. Tinitignan ko lang bawat galaw niya.



Biglang nagvibrate phone ko. Siya. Tumatawag siya. Nag-expand yung puso ko. Hindi ko madescribe yung feeling pag nakikita ko yung name niya sa screen ng phone ko.



Tumingin ulit ako sa kinaroroonan niya. She was really making a call. Ang sarap lang sa pakiramdam. Nakikita ko kasing, nageexpect din talaga siya na susunduin ko siya.


Sinagot ko na tawag niya.



"Asan kana?" Yung boses niya palang para na akong lumulutang sa clouds. Walang halong biro pero yun ang talagang nararamdaman ko.


"Andito na ako. Nakikita na kita."



"Ay...." Sabi niya at nakita kong nakikita na niya ang kotse ko.


She was smiling as she walked towards the car. Ang bilis ng heartbeat ko.



I reached her door para pagbuksan siya.



Dumungaw muna siya bago pumasok and she just stuck her tongue out at me.


HAHAHAHAHAHA! I died.


***************************************************************************************


Katatapos lang magluto ng mama niya pagkadating namin sa bahay nila. Awkward para sakin kasi wala na namang nagsasalita sa hapag-kainan, kulang nalang hindi ko malunok yung kinakain ko sa kaba. Natatakot parin ako sa papa niya.



Broken Hearts HealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon