Nagising ako nang maaga kinaumagahan. Ayoko sanang pumasok pero tama nga yung sabi ni Carlo. Dapat ipagtanggol ko rin ang sarili ko. Napahiya nga talaga ako sa ginawa ng boss ko.
Maaga na rin akong pumasok. Gusto kong mauna sakanya. Lagi din naman siyang late eh. Nakakainis. Lagi nalang pinapasa yung mga gawain niya sa amin. Pati mga katrabaho ko, marami na rin silang reklamo sa kanya kasi super bossy tapos wala namang nagawa.
Bigla kong narinig yung door ng office na bumukas. Tinignan ko kung sino. Si boss.
"Oh. Maxene. Ginawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?" Yun agad ang sinalubong niya sakin.
Agang-aga nakasimangot na siya.
"Sir, pwede ba kong makipag-usap sayo?" Naalala ko kasi yung sinabi ni Carlo sakin. Dapat kakausapin ko agad siya para maayos na.
"Oh, ano yun? Sige, pasok ka sa room ko." Sabi niya.
Agad naman akong sumunod sakanya.
"Sir..." Sabi ko kaagad pagkapasok ko.
"Oh?" Sabi niya as he was crossing his arms over his chest.
"Sir, sasabihin ko lang sana sayo hindi naman sakin yun, Sir. Hindi po ako ang gumawa nun."
"Eh sino? Pinapasa mo pa sa iba."
"Hindi ko alam kung sino gumawa nun Sir."
"Diba ikaw lang naman ang inuutosan ko nang mga ganun?"
"Pero, hindi talaga ako yun."
"Ikaw man ang gumawa nun o hindi, kelangan mo parin tapusin yun. Sige na. Wag nang mag-aksaya ng oras." Sabi niya habang pinapaalis ako.
************************************************************************************************************************************************************************
Buong maghapon akong wala sa mood. Ang dami kasing pinagawa sakin at panay sigaw sakin ng manager.
Umiinit na ang ulo ko. Napapagod na ako sa ginagawa ko. Napaisip na naman ako sa sinabi ng kuya ko. Dun nalang siguro ako.
6:37pm na nung nasundo ako ni Carlo.
"Oh, bat ka nakasimangot?" Tanong niya agad pagkapasok ko sa sasakyan niya.
"Wala. Nababadtrip ako sa manager namin."
"Ah.. oo nga pala. Nasabi mo na ba sakanya yung totoo?" Tanong niya.
"Oo..Eh lalo akong pinagalitan."
"Sige lang. Mawawala din yang init ng ulo ng manager nyo. Wag mo nalang pansinis. Focus ka nalang sa work mo." Sabi niya.
"Oo nga eh. Yun nga ang iniisip ko. Pero, naisip ko itutuloy ko nalang yung sa Japan."
"Ha?" Nagulat siya.
Pati rin ako nagulat sa nasabi ko. Hindi ko pa pala nasabi sakanya yung tungkol dun.
"Anong sa Japan, Max?" Tanong niya, tumingin siya saken.
"Ahh.. Wala yun Carlo. Naisip ko lang yun. Basta wala yun." Sabi ko.
"Ano nga yun?" Tanong pa rin niya. Ganun siya eh, hindi niya pinapalagpas yung mga ganun. Kaya dapat talaga maingat ako sa mga sinasabi ko kasi hindi niya talaga ako tintigilan.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...