Ngumiti siya sakin.
"Good morning po." Bati niya sa mga magulang ko.
Nakanganga ako habang nakatitig kay papa sa salamin.
"Hi" Bati niya rin sa akin.
Lumingon ako sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Bigla kong natanong. Napangiti lang siya.
"Pa? Bakit? Paano? Ma? May alam kaba dito? Carlo?"
Pero walang sumagot sakin.
Nagulat talaga ako. Hindi ko inexpect to.
"Ako ang nagyaya sakanya, anak." Biglang sumagot si Papa.
"Ha? Paano?"
Biglang umusog si Carlo sakin at bumulong, "Maya ikukwento ko sayo." At sabay ngiti.
***************************************************************************************************************
6:35am na pero nasa daan parin kami. Sino ba ang mag-aakalang katabi ko si Carlo sa loob ng sasakyan ni Papa?Hindi ako nakatulog kasi hindi parin ako makapaniwalang kasama nga namin si Carlo sa weekend getaway namin. At si Papa pa talaga ang nagyaya sakanya!
Grabe!
It was maybe the longest time na hindi kami nagsasalita sa isa't isa. Alam kong hindi rin siya comfortable. He's a talkative and fun guy pero nung time na yun hindi siya nakapagsalita. Bihira yun sakanya.
Panay tingin niya lang sa side nya sa labas.
Si mama at papa lang ang ngsasalita. Pati ako nakatitig lang sa side ko. Ang laki ng space sa gitna namin.
***************************************************************************************************************
Almost 8am na nung nakarating kami dun. Ang sakit sa balakang kakaupo. Parang nastiff neck din ako kasi panay lingon ako sa left side ko.
Pagdating namin andun na rin ang mga relatives ko. Bumaba na kami. Pati si Carlo. It was so odd of him na maging tahimik. Ang tahimik niya talaga. Hindi ako sanay na ganun siya.
"Mabuti at andito na kayo!" Bati ni Tita Norma sa amin sabay yakap niya si mama. Si Tita Norma ang step-sister ni Papa.
Nagmano agad ako kay Tita Norma.
"Hello, Tita."
"Maxene! Lalo namang gumanda tong batang to!" Sabi niya sabay yakap sakin.
Nahiya naman ako sa sinabi niya.
"Naku Tita naman eh."
"Totoo naman. Oh sino tong gwapong lalake?" Bigla niya lang tinanong. At napalingon ako sa likod ko.
Hahahaha. Si Carlo.
Ahh. Naawa ako bigla kasi nasa likod ko lang siya, nakatayo, nakayuko. Halatang nahihiya.
"Ahh.. Si C-Carlo po." Sagot ko kay Tita. At agad kong tinawag siya. "Psst Carlo! Lika?"
Agad naman siyang lumapit pero nakayuko parin.
"Good morning po, maam" Bati niya kay Tita.
"Uy good morning din sa iyo, iho. Welcome sa resort namin."
"Salamat po."
"Ahh.. Boyfriend mo Max?" Pangiting tanong niya.
"Ha?? Ahh hindi po. Kaibigan ko lang po." Nakakahiya kay Carlo! Lagi nalang siyang napagkamalang boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...