Chapter 07

12 0 0
                                    

Yung feeling ba na namumutla ka, nanlalamig mga kamay mo pero pinagpapawisan ka dahil sa di inaasahang pangyayari.

I felt like I have seen a ghost!

Si Carlo nga ba talaga yun?

Lumapit ako kay papa, habang nakasandal cya sa door frame namin.

Ay! Si Carlo nga!

"Goodevening!" Agad niya akong binati.

Hindi ako agad nakapagsalita. Parang dinadama ko pa si Papa. Kung ano reaksyon niya about nun.

Hindi naman sa pinagbabawalan ako. Pero, alam kasi nila na hindi nagtagumpay yung relasyon ko kay Gab. Kahit sinong magulang naman kung malaman nilang hindi naging maayos yung pakikipagrelasyon ng anak nila eh mag-aalala din naman sila.
Ayuko kasing ma-misunderstood ito ni Papa.

"Oh anak, hinahanap ka raw ng lalaking to." Sabi ni papa.

Kinabahan naman ako.

"Sige, Pa."

Agad niyang tinignan ulit si Carlo. "Girlfriend mo na ba ang anak ko?" Bigla nalang niyang tanong.

***************************************************************************************************************

Walang nagsasalita habang kumakain kami sa hapag-kainan. Magkatabi kami ni mama. Si papa naman katabi niya si Carlo, na mukhang nawalan ng ganang kumain.

Panay yuko lang si Carlo. Walang imik. Kulang nalang hindi siya humihinga.

Halos yung tunog lang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig.

Pati ako nananamlay.

Niyaya kasi ni Papa si Carlo na sumabay na sa amin kumain. Sakto kasi nung pagdating niya, tapos nang magluto si mama.

Biglang napaubo si Papa tas sabay inom ng tubig. Hindi ko pa naranasan to. Yung maging awkward habang kumakain kami.

Pati si mama, tutok na tutok lang sa kinakain niya. Halos nakakabingi na ang pagiging tahimik naming lahat.

Naawa naman ako kay Carlo. Hindi naman siguro niya iyun inexpect. Awkward din para sakanya yun.

Hindi niya kasi nasagot yung tanong ni Papa.

At buti nalang hindi siya sumagot.

***************************************************************************************************************
"Bat ka pumunta dito?" Tanong ko agad sakanya nung lumabas kami ng bahay after kumain.

"Nag-alala kasi ako."

"Saan?"

"Sayo." Sabi niya, pero panay tingin sa lupa.

"Bakit naman?"

"Kasi nga umiiyak ka. Alam ko namang ang laki ng kasalanan ko sayo." Sabi niya.

"Hmm, di naman ikaw yung dahilan eh bat ako umiyak. May naisip lang kasi ako bigla nun kaya ako napaiyak." I explained.

At bigla naman syang tumingin saken. Mejo gumaan yung reaction niya.

"Eh anu ba ang naisip mo?" Tanong niya.

Ayukong sagutin yun. Ayuko munang sabihin sakanya lahat-lahat kasi hindi pa ako handang ishare sakanya.

Napansin nya yata yung reaksyon ko kaya nagtanong ulit siya. "Max? Bakit? May problema ba?"

Yumuko lang ako.

***************************************************************************************************************

Broken Hearts HealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon