Tumayo ako agad. Bigla akong nahiya sa sarili ko.
"M-max... I can explain."
Yun lang ang huli kong narinig bago ako nagmadaling lumabas ng room.
I just found myself running away from them. Hindi ko na hinintay yung elevator. I took the stairs. Sobrang bilis kong bumaba. Naglakad ako papuntang exit. Nagtatanaw ako ng taxi.
Buti nalang may dumaan. Agad akong sumakay. 30minutes lang din naman ang layo ng hospital sa amin.
Hindi ako nakapagsalita. Parang biglang nagblanko ang isipan ko. Namanhid ang buong katawan ko. I closed my eyes as I waited the taxi to get me home.
Naririnig ko lang yung radyo ng driver na napakahina ng volume, yung busina ng mga sasakyan.
Pilit kong pinipikit ang mga mata ko kasi pag naidilat ko ulit, tiyak mararamdaman ko yung sakit.
Narinig ko yung sabi ng DJ sa radio, "It's now 8:45 in the evening...."
Naku mejo late na pala.
Gusto ko na makarating ng bahay. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko na makita sina mama at papa. Gusto ko nang may makitang taong pwedeng makapagpasaya sakin sa oras na yun.
Bigla nalang nagsalita yung driver. "Liliko po ba tayo sa kaliwa, maam?"
Binuksan ko mga mata ko. Nakita ko, malapit na kami sa may kanto.
"Opo."
Pumikit ako ulit.
***************************************************************************************************************
Pumasok agad ako ng bahay. Tapos na palang kumain sila mama at papa. Nanunuod sila ng TV.
"Anak, san ka galing?" Tanong ni papa.
"Hmmm.. pinuntahan ko po si Gab."
The moment I said his name, parang nagbreak down ako. Sumakit lalamunan ko. Hindi naman ako pwedeng umiyak sa harapan ng papa ko."Oh. Kamusta siya?"
"O-okay lang po." Bigla akong napayuko. Nakatayo lang ako sa harapan nila.
"Mabuti naman, sige kumain kana."
"Hindi na po, tapos na ako." Sagot ko at dahan-dahan akong lumakad papuntang hagdanan.
Hindi ko namalayan, sinundan pala ako ni mama. Bigla niya lang hinawakan ang braso ko.
"Anak, may gusto kabang sabihin saken?" Tanong niya.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Lumambot ang buong katawan ko. Patulo na ang aking mga luha. Tumango na lang ako.
Nasa loob na kami ng kwarto. Si mama nakaupo sa dulo ng bed habang nakatayo ako sa harapan niya.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong niya, narinig ko may konting lungkot at galit yung tono ng boses niya.
Naniniwala talaga ako sa mothers'
instincts.Biglang bumilis pagtibok ng puso ko. Mejo hindi ako sanay na makipag-usap kay mama about sa ganitong topic. I never had told her about love. Never told her about my first crush. Never told her my first love, my first kiss and my first heartbreak.
Close kami ni mama pero hindi ako comfortable pag ganitong usapan na.
"Ma......." Hindi ko na nakayanan, tumakbo ako patungo sakanya at napaluhod sa harapan niya habang yakap yakap ko siya.
"Sabihin mo sa akin, makikinig ako anak." Sabi niya habang hinahaplos niya ang likod ko.
"Ma.... ang sakit sakit na." I confessed between my sobs.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...