Maaga akong nakarating ng opisina kinabukasan. Masaya ako kasi hindi na ako pinabalik sa kabilang branch. Hindi ko na yata kayang makita pa ulit si Clarisse. Wala na rin akong balita tungkol sakanya.
Masaya na yun. Yun nalang ang inisip ko.
I need to move on. I really need to.
Relax lang kami nung araw na yon. Wala masyadong tao kaya mejo nakakapagpahinga din kami.
Almost 3pm na yata yun, nang biglang may pumasok na isang babaeng estudyante. Nakauniporme. Maganda, matangkad, maputi. Napatayo agad ako kasi papunta siya sa counter ko.
Something caught my attention. Napatingin ako sa shoulder bag niya. It looked familiar kasi.
When she reached the counter, nagsmile siya sakin. "Hello, miss? Can I ask something?"
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero parang may something sa batang to.
"Good Afternoon! Sure, what is it maam?" I replied. Kelangan ko kasing maging polite.
Parang biglang nawala yung confidence sa mukha niya. Biglang napalitan ng hesitation. Tinignan ko lang siya. Hindi na siya nakatingin sakin. She was looking at her knotted fingers.
"Yes maam, what can I do for you?" Tinanong ko siya ulit nung hindi na siya nagsalita.
"Hmmmm... I just want to ask.... uhmm ..." This time, tinignan na niya ako sa mata. Pero, nakikita ko sakanya na kinakabahan siya. She was breathing so fast.
"Yes?" Again, I asked her. I softened my voice para mawala konti ang kaba niya.
"You know.... uhmm... I just.. wanna know.. uhmm... how to open a joint bank account." Halos hindi niya mabigkas nang maayos ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan siya.
*********************************************************************************************************
Halos 30 minutes din kami nagkausap nung estudyante na yon. Halata kasing nacurious siya kaya inexplain ko sakanya lahat. Napansin ko din na willing talaga siyang mag-open nang ganung account kaya lang nung tinanong ko sakanya kung bakit, hindi niya ako sinagot. Sabi niya, iisipin niya daw nang mabuti at babalik siya next time.
Buong maghapon kong iniisip yung batang iyon. I learned she was just 17 years old, too young to ask about joint bank accounts. Yung ganung klaseng account kasi are mostly used by married couples, civil partners or partners who live together.
Hindi naman ako nagjudge agad sakanya kasi pwede naman magamit yung account na yun for business purposes. Baka may business siya at may plano siyang mag-open with her business partner.
Biglang nagvibrate phone ko.
"Meet me later pls.... I wanna talk to you." Binasa ko ang message ni Gee sakin.
*********************************************************************************************************
7pm nung nagkita kami ni Georgina sa isang resto. She was alone kasi may seminar daw si Vince sa Davao City kaya mag-isa siya sa bahay nila.
"Gee!!! Kanina kapa?" Agad kong tinanong habang nagbebeso ako sakanya.
"Max mabuti at dumating kana, mejo gutom na ako."
"Ay sorry naman. Sige mag-order muna tayo."
After namin mag-order, tinanong agad ako ni Gee. "Ikaw, kamusta kana?"
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Heal
Teen FictionSome say, "Falling in love is an extraordinary feeling when a person you love, loves you back." This one lady was loving her man. But, he turned on the cold to shut her down. Nasaktan siya. How she was scared to find out everything because she didn'...