Richard: Hello? Dawn?
Dawn: Richard may papakilala lang ako sayo. (Smiling)
Richard: Sino?
Dawn: Babae mo noon.. (Joked)
Richard: wehh? Hahahh
Dawn: Joke lang syempre txt na lang kita kung saan tayo magkikita. Is it ok for you?
Richard: Oo naman syempre basta ikaw Dawn. :D
Dawn: sige bye.
Richard: sige, see you later..
--call ended--
Alex: Ms. Dawn si Sir Richard po ba yon?
Dawn: Ah.. Oo, diba chardawn ka? Mamaya makikilala mo na rin si Papa chard nyo..
Pero gusto sabihin ni Dawn na ang totoo nyang ama ang makikita nya mamaya..
Alex: Wow! Makikita ko na rin po si sir Richard...
Dawn: Sige na kumain ka na dyan.. (Smiling)
Tinext ni Dawn si Richard kung nasaang restaurant sila naroon at sinabi nya na surprise na lang kung sino ang ipapakilala ni Dawn sa kanya...
Habang kumakain si Alex pinagmamasdan sya ni Dawn. Hindi pa rin sya makapaniwala na mahahanap na rin nya ang matagal na nyang hinahanap. Iniisip rin nya ang mga importanteng okasyon na wala sya sa tabi ng anak nya.
Dawn: (nakatitig kay Alex at medyo naluluha)
Alex: (napansin si Dawn) uhmmm.. Ok lang po ba kayo? May dumi po ba yung mukha ko? Pasensya na po medyo madungis ako kumain... ^_^
Dawn: naku! Wala, walang dumi yung mukha mo. May naalala lang kasi ako. Ok lang ako.
Alex: (tinuloy ang pagkain) ang sarap po talaga nito.
Saktong pagkatapos ni Alex kumain dumating na si Richard..
Dawn: (tumayo) (beso-beso) Richard! Take a seat.
Alex: (nakatingin sa malayo at di napansin si Richard)
Richard: Dawn?? Sure ka ba na babae ko toh?? (Nagbibiro) ang bata naman yata.
Dawn: ah, (hinawakan ang kamay ni Alex)
Alex: (bumalik sa katinuan) ayy so--sorry po...
Dawn: Alex, si.....
Alex: Sir Richard!?!? (Tuwang tuwa)
Richard: Hi!! Uhmm.. Dawn sino sya?
Alex: (nakasmile pa din)
Dawn: ah Richard I would like you to meet Alex, junakers natin yan!
Richard: ohh!! Parang ang bata bata mo naman?
Alex: ahh oo nga po ehh... Hihih!
Alex: Sir Richard, Ms. Dawn, excuse me po mag c-cr lang po ako..
Dawn: sige.
Alex: (nag cr na)
Richard: Sino ba talaga sya? What's about her?
Dawn: (inabot ang brown envelope) here... (Smiling)
Richard: (binuksan ang envelope) Positive? Sya na ba yun Dawn? (Nakangiti kay Dawn)
Dawn: Oo sya na nga!! (Nakangiti)
Richard: Pa-- paano mo sya nakita?
Dawn: (kinuwento kung paano)
Richard: At last nakita na rin natin sya!! Alam na ba nya? Nasabi mo na ba?
Dawn: hindi pa nga eh.. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.. Kinakabahan ako baka kung ano ang maging reaksyon nya....
Richard: (hinawakan ang kamay ni Dawn) Wag ka mag alala Dawn... Sabay natin sabihin sa kanya, alam ko naman na matatanggap nya tayo. Magulang nya tayo Dawn...
Alex: (bumalik na sa table nila) Ms. Dawn ano po yun? (Nagtataka)
Dawn: ma--may sasabihin lang kami sayo...
Alex: sige po, ano po ba yun? (Smiling)
Richard: wag ka mabibigla sa sasabihin namin sayo...
Alex: (kinakabahan at nawala ang mga ngiti sa labi nya)
Dawn: Alex.....
Richard: ( hinawakan ang kamay ni Dawn) Anak ka namin ni Dawn, kami ang tunay na magulang mo....
Alex: Pero, Pa--paano po nagyari yun?
Dawn: Hindi ko din alam basta eto ang lumabas sa DNA test (inabot ung envelope)
Alex: ( nakita nya na positive ) pano to nangyari? (Naiiyak)
Richard: may gusto ka ba? Gusto mong tubig?
Alex: Wa--wala po. Gusto ko na lang pong umuwi..
Dawn: sige ihahatid ka na lang namin..
Alex: Sige po..
Sa loob ng kotse tahimik lang silang lahat. Si Alex nakatingin sa malayo, iniisip pa rin nya ang lahat ng nangyari. Sila Dawn at Richard hindi makapagsalita dahil alam nilang nabigla nila si Alex sa sinabi nila
Alex' P.O.V
Hindi pa rin ako makapaniwala, masyadong maraming tanong ang nasa isip ko pero natatakot akong magtanong. Natatakot akong magtanong dahil natatakot ako sa sagot. Baka lalo akong masaktan kapag magtatanong ako. Nabuhay ako ng 13 taon na hindi man lang nalalaman ang katotohanan. Hindi pala ako ang nakikita ko sa tuwing titingin ako sa salamin, ibang tao pala yon. Paano ba ako napunta sa ganito?
Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay nila...
Alex: dito na lang po ako.... Marami pong salamat.. (Walang emosyon) (palabas na sana ako pero hinawakan ni Ms. Dawn ang braso ko)
Dawn: Saglit lang.. Pwede ba namin makausap ang mga magulang mo?
Alex: sa ibang araw na lang po, umalis po kasi sila...
Richard: maghihintay na lang kami...
Alex: baka po matagalan pa po yun kasi malayo po yung pinuntahan nila.
Dawn: sige, text mo na lang ako kung kailan pwede silang makausap.
Alex: sige po..( tuluyan nang lumabas)
Alex'P.O.V
ang totoo nyan hindi talaga umalis sila nanay, ayaw ko lang talaga silang mag usap hindi ko yata kaya pa na may dumagdag na problema.
Alex: Nay? May dapat ho ba akong malaman? (Naiiyak)
Nanay nya: (kinakabahan kasi baka nalaman na nya ang totoo) wala anak, ano bang iniisip mo?
Alex: talaga nay? Wala akong dapat malaman? Wala kayong tinatago sa akin?
Nanay: oo naman anak...
Alex: eh ano yung sabi nila Sir Richard at Ms. Dawn? Kasinungalingan lang ba yon? Palabas lang ba nila yon? Paano naging positive ang DNA test results? Gawa gawa lang nila ganun?
Nanay: Anak... Hindi ka talaga namin totoong anak ng tatay mo. Totoo na sila ang mga magulang mo.
Alex: Bakit hindi nyo sinabi? Ano yun mamamatay na lang ako na hindi nalalaman ang totoo? Mabubuhay ako sa kasinungalingan?
Nanay: Hindi naman sa ganoon anak, naghihintay lang naman kami ng tamang panahon para sabihin sa iyo ang totoo. Kasi natatakot kami na magalit ka sa amin.
Alex: Tamang panahon po? Kailan ba yon? Pag namatay na ako? Pag wala na ako? Sabihin niyo nga sa akin, paano pag bigla akong masagasaan dyan tapos namatay ako. Mamamatay ako ng hindi nalalaman ang tunay kong magulang? Nay! Sorry pero GALIT!! Galit lang ang nararamdaman ko ngayon. Isipin nyo po buong buhay ko napaniwala nyo ako na anak nyo ako. (Tumakbo palayo)
Nanay: Anak!!!
Pumunta si Alex sa kaibigan nyang si Jake. Sya ang kaibigan nya simula pa noon..
Alex: Jake? (Kumatok sa bahay nila jake)
Jake: oh! (Napansin na umiiyak si Alex) (nagmamadaling buksan yung pinto) Bakit?
Alex: (yumakap)
Jake: basta tandaan mo nandito lang ako..
Alex: Salamat ha!
Jake: Para saan?
Alex: Kasi lagi kang nandyan, (bumitiw sa yakap) Sana di ka katulad ni nanay..
Jake: bakit? Ano ba nangyari?
Alex: kasi ganito yun ( kinuwento yung nangyari)
Pagkatapos nya magkuwento....
Jake: So? Totoo mong magulang sila Dawn at Richard?
Alex: Oo..... Siguro?
Jake: oh, bakit parang hindi ka masaya? Diba pangarap mo to? Dream come true na!!!!
Alex: hindi ko alam.... Siguro kasi iniisip ko nabuo ako dahil sa isang pagkakamali...
Jake: naku! Wag mo na isipin yun bespren!! Basta ipakita mo sa kanila kung gaano ka kabuting anak.
Alex: salamat talaga bespren ha! Ikaw ang the best bespren sa mundo!
Jake: naku! Lika na hatid na kita baka hinahanap ka na ni tita ehh..
Alex: sige..
Nagpaaalam muna si Jake sa mama nya at sinamahan si Alex pauwi sa kanila. Nakaakbay silang naglalakad.
Jake: oh, ano na gagawin mo ngayon?
Alex: hindi ko nga alam ehh. Ano ba ang dapat kong gawin?
Jake: Basta ang dapat mong gawi yun tama at makakabuti sa lahat.
Alex: Eh, ano ba yon?
Jake: Edi, tanggapin mo na ang katotohanan. Na anak ka nila, at sulitin mo yung mga oras na makakasama mo sila. Pambawi na rin sa mga oras na wala sila sa tabi mo.
Alex: pero, paano?
Jake: Ipakita mo sa kanila na lumaki ka ng maayos at mabuti kahit wala sila sa tabi mo.
Maya maya nakarating na sila sa tapat ng bahay nila Alex. Sinalubong sila ng nanay ni Alex.
Nanay nya: (Niyakap sya ng mahigpit) Alex!!
Alex: (yumakap din) Nay.
Nanay nya: Wag ka na sanang magalit sa akin.
Alex: Hindi na po ako galit nay, gusto ko lang po magpasalamat sa inyo.
Nanay nya: para saan?Alex: Kasi po inalagaan nyo ako kahit hindi nyo po ako kaano-ano.
Nanay nya: naku, wala yun.
Alex: Nahihiya nga po ako sa inyo eh.
nanay nya; bakit naman?
Alex: kasi po, hindi ko po kayo inisip kanina. mas inuna ko po yung galt na nararamdaman ko.
Nanay nya: Wag mo na isipin yun, kasi kung ako din naman ang nasa kalagayan mo ganun din ang gagawin ko. Gusto ko rin sanang mag sorry kasi hindi ko sinabi sayo ang totoo.
Alex: Naku! wag nyo na po isipin yun ang mahalaga po, nalaman ko na ang totoo.
Nanay nya: (nakita si Jake) Oh, hello Jake! Sorry nga pala naistorbi ka pa nitong si Alex, gabi na.
Jake: Ah, wala po yun tita. tsaka gabi na nga po baka mapaano pa po si Alex. Pag nangyari yun sigurado akong papatayin nyo po ako. hehe. Hindi ko naman po pababayaan na lang basta si Alex, hindi ko hahayaang may mangyari dyan.
Nanay nya: Boyfriend na boyfriend ang dating mo ha!! may pa "hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya" ka pa.
Alex O.o: Nanay naman eh!!
Nanay: sige papasok muna ako sa loob ng bahay. maiwanan ko na kayo dyan.
Jake: Sige po tita!
Umalis na ang nanay ni Alex.
Jake: Sige alis na ako ha! (paalis na sana sya ng bigla syang niyakap ni Alex)
Alex: Saglit!! (yumakap)
Jake: ----> O.o (yumakap din)
Alex: Thank you nga maraming marami bespren!!!
Jake: wa-wala yun, sige mauna na ako..
Tuluyan ng umalis si Jake. Pumasok na din si Alex sa loob ng bahay nila at natulog na din sya.
------------------
To Be Continued...