Pagkababa ni Dawn ay tinabihan nya si Richard. Yumakap sya dito.
Dawn: Babe.
Richard: Yes love?
Dawn: May problema kasi e.
Richard: Ano yung problema love?
Dawn: Kasi. Nung umakyat ako. Nakita ko yung nasa laptop ni Alex. Nakabukas kasi yung facebook nya..
Richard: O? Ano namang problema kung nakabukas yung facebook nya, love?
Dawn: Eiiiih! Di mo pa ako pinapatapos babe e!
Richard: Hehe. E. Sorry love. Kala ko kasi un lang e.
Dawn: E. Kasi. Nabasa ko ung mga message sa kanya.
Richard: O. Bakit? May nanliligaw ba ulit?
Dawn: Babe naman e! Kung ayaw mo makinig. Di wag! Pinapangunahan mo 'ko e!
Richard: Uy. Di na. Sorry na love. Promise. Di na kita papangunahan.
Dawn: Che!
Tapos ay binato nya ng unan si Richard. Nilapitan naman sya agad ni Richard at niyakap sya.
Richard: Uy.. Sorry na talaga love ko.
Dawn: Hmmp! Kiss mo muna ako.
Tapos ay lumapad ang ngiti ni Richard.
Richard: Okay yan love a! Ikaw na nanghihingi ng kiss.
Dawn: Ayaw mo pa yata e!
Richard: Gusto ko kaya.
Tapos ay naglapat ang mga labi nila. Unang bumitiw si Dawn.
Dawn: Tama na muna babe. Baka kung saan pa mapunta yun.
Richard: Sige. Basta mamaya ah!
Dawn: Oo na. Mamaya na.
Richard: Yes! O. Ano na nga ba yung problema?
Dawn: Ay. Ayun. Kasi. Yung mga fans natin. Minemesagge sya. Puro negative pa naman yung mga sinasabi. Kaya siguro ayaw lumabas ng kwarto yung anak natin.
Richard: Ganun ba. Bakit hindi nya agad sinabi?
Dawn: Aba, malay ko. Siguro kay Vivs yun nagsumbong.
Richard: Bakit di na lang nya satin sabihin?
Dawn: Ewan ko. Teka nga. Bakit ako ang tinatanong mo nyan?! Masasagot ko ba yan?
Richard: E. Hinihingi ko lang naman yung opinyon mo love.
Dawn: E. Wala din akong mabibigay. Nood na nga lang tayo. Sayang naman yung kuryente.
Tapos ay nanood na sila ng movie ng magkayakap.
Sa kalagitnaan ng movie ay may narinig silang kalampag sa may kusina.
Dawn: Sino yun babe?
Richard: Di ko alam. Pareho lang tayong nandito e. Pano ko malalaman?
Dawn: Ang pilosopo mo talaga!
Richard: E. Sorry na love. Totoo naman e.
Dawn: Sabagay.
Pinause muna nila ang pinanonood para tignan kung sino yun. (xD)
Naabutan nila si Alex sa may kusina na sumasandok ng pagkain.
Dawn: Alex.
Alex: Ay. Hi mommy! Hi daddy!