A/n: Babala, ang mga susunod na eksena ay may pagka OA. Matinding paguunawa ang kailangan sa mga mambabasa! Haha!
Paggising nila Dawn at Richard naabutan nila sila Juliana at Alex na nagluluto sa kusina, well si Alex lang naman talaga ang nagluluto habang si Juliana ay dinadaldal sya.
Alex: Good Morning daddy! Good morning mommy! (hugs and kisses)
Juliana: Good Morning dad! Good morning tita Dawn!
Dawn: Good morning din.
Richard: Why did you two cook breakfast?
Alex: Ang tagal nyo po kasi eh!
Juliana: Let me guess, you two are tired because of last night! (naughty smile)
Alex: Kaya nga po. (naughty smile din)
Dawn; Oo. Napuyat kasi ka-- (narealize yung sinabi ni Juliana) Hoy! Kayong dalawa ha! Yang mga ngiti nyo! Kabisado ko yan! Napuyat ako kasi nga namamahay ako.
Alex: Psh! Eh nung sumilip nga ako kagabi tulog na tulog na po kayo! Nakayakap pa nga kayo kay Daddy!
Dawn: Whutt!? Hindi kaya!
Richard: (serious) Alex, alam mo naman kung bakit napuyat kami.
Alex: Oh, yeah. Mommy, ok ka lang po ba? Have Anton called you?
Dawn; Uhmm.. Hindi pa pabayaan mo muna yun!
Alex: (smiled)
Sa hapagkainan... (lalim!!)
Richard: I was wondering kung bakit kayo ang nagluto ng breakfast. Was it really just because na natagalan kayo sa amin?
Juliana: Yeah. What else are you thinking dad?
Alex: Yup. As if naman na may kasalanan kami kaya nagluto kami ng breakfast. Haha!
Richard: Wala nga ba?
Juliana: What are you talking about dad?
Alex: Daddy, yun ba yng pakikinig ko sa usapan nyo ni mommy? Sorry po talag—
Richard: Nope. It’s not about that.
Alex: Daddy wala naman kaming ginagawang kasalanan bukod doon at hindi rin naman kasama doon si Juliana.
Richard: Finish your food first. Then I’ll tell it to you two.
Juliana: Okay. But whatever it is, I’m sure na wala talaga kaming kasalanan.
Pagkatapos nilang kumain kinuha ni Richard ang mga cellphone nila at naiwan sa baba si Dawn.
Alex: Mommy… Ano po ba yung sinasabi ni Daddy? Alam ko po na may alam kayo doon please.
Juliana: Tita Dawn can you tell it to us? Pretty pleaseeeee.....
Dawn: Yung daddy nyo na lang ang magsasabi.
Juliana: Tita pleaseee....
Richard: (pababa) Wag nyo nang kulitin si Dawn.
Nakaupo sila Dawn, Alex at Juliana sa sofa habang si Richard ay nakatayo at hawak ang dalawang cellphone.
Richard: (pinakita ang dalawang cellphone pero di nakabukas yung screen) Hindi nyo talaga alam kung anong meron dito?
Alex: Daddy, kukulitin po ba namin si mommy kung alam talaga namin.
Richard: Ok. See for yourselves.
Binigay ni Richard ang mga cellphones nila. Pagbukas na pagbukas nila Julia anakita nila ang mga text sa kanila.
Juliana; (ngumiti ng palihim)
Umakyat muna sila Dawn at Richard. Si Juliana ay kilig na kilig pero si Alex naman ay parang bwisit na biwisit ang mukha.
Alex' P.O.V.
Psh! Paano ba nalaman nung lalaking yun yung number ko?! Tsaka paano nya nalaman yung pangalan ko? Eh diba nga sinabi ko nga na Jennifer Lopez ang pangalan ko. Tsaka kung makatawag naman ng masungit! Bwisit talaga yun! Tapos ano daw?! Crush?! Ako?! Hibang na talaga ang mga lalaki ngayon! Nagdudrugs yata to eh! Tapos may I love you pang nalalaman! Duhh!! Ang dami nya alam! Pagtingin ko kay Juliana nakita kong kilig na kilig tong isang to. Kaya nacurious ako.
Alex: Patingin nga ako Juliana.
Juliana: Ok. (smiling)
Alex: Sus! Yun lang pala.
Juliana: Duhh!! Nakakakilig kaya! Psh! Bakit ba ang bitter mo? Patingin nga nng iyo.
Alex: H-ha? (tinago yung cellphone nya sa likuran nya) Wala lang yung akin. Alam mo nakakakilig nga yung text sayo eh! Kilig na kilig ako!
Juliana: Really? (pasimpleng kinuha yung cellphone ni Alex sa likod) Wala lang? Ok. Wait, babasahin ko lang ulit yung text sakin.
Dahil magkapareho lang naman ang cellphone nila, hindi alam ni Alex na yung kanya na pala ang hawak ni Juliana. Tsaka nanood na lang sya sa T.V. kaya di nya din kinapa yung cellphone nya sa likod.
Juliana: Ohhh Myy Gosshhhhhh!!!
Alex; Psh! Ang ingay mo naman Juliana! Tsaka nabasa mo naman na yan! May nagbago ba?
Juliana: He said I love you!!
Alex: Ha? Eh dun sa huli kong basa nyan wala naman akong nakita. Nagiilusyon ka na namaN!
Juliana: Ewan ko sayo Rave!
Alex: Sinong R--- Gosh! Juliana! Kanino yang hawak mong cellphone? Akin yan noh?!
Juliana; (tumawa ng malakas) Yup. Kinuha ko and you didnt even notice! Haha!
Alex: Jeezz! Let me have it!
Juliana: ok. (binigay yung cellphone) Yiiee!! Oh my gassshh!! May I love you pala sa text mo kaya ang liit ng tingin mo sa text sakin! Tapos nakalagay pa na crush ka nya! Whoott!! Tekan nga, why are you bitter? You're supposed to be very very happy!
Alex: Psh! You dont know this guy. Para malaman mo, napakayabang ng taong to.
Juliana: Whatever! Ayan na si Dad. (umayos ng upo)
Richard: Nakita nyo na?
Dawn: (umupo sa tabi nila Juliana)
Alex: Yes daddy.
Richard: And?
Alex: Nothing. What am I supposed to do?
Richard: I dont know.
Alex: So yun na yun? Kasalanan na ba yun dad?
Richard; Not really.
Alex: Excuse me. (tumayo)
Richard: Where are you going?
Alex: Sa taas lang po. Dun po sa pinakataas.
Richard: (nodded) But hindi pa tayo tapos ha. I'll talk to you later.
Alex; Ok daddy.
Juliana: Alex, dont leave me here.
Alex: Bye Juliana! Have fun talking with daddy!
Juliana: *sighed*
-----------------------------------------------------
Update?!
Next Update: *continuation*
Comment if you want dedication.
~Author <3