Pagtapos na i-examine si Alex, umuwi na din sila Dawn. Nasprain yung ankle nya dahil nga namali yung pagkabagsak nya. Tapos pilay nga yung kamay nya.
Nang makita ni Juliana na pababa sila Alex, niyakap nya si Austin at niyakap din naman sya pabalik nito. Kaya pagbukas nila Alex ng pintuan, naabutan nila na magkayakayap sila. Sinadya talaga ni Juliana na makita silang ganun para lalong mainis si Alex.
Richard: Juliana. What's the meaning of this?
Juliana: (kumalas sa yakap) D-dad. Kinocomfort nya lang po a-ako.
Alex: A-aakyat lang po a-ako.
Dawn: Samahan na kita anak.
Umakyat na sila Alex at Dawn. Pagkabukas nila ng kwarto ni Alex, nakita nila ang family picture nila na nasa sahig at basag ang frame.
Alex: B-bakit n-nabasag? Maayos naman ung pagkakalagay k-ko nun sa table eh.
Dawn: Liligpitin ko na lang muna ito. Sige na, humiga ka na lang doon. Mapahinga ka muna.
Pagtapos ayusin ni Dawn ang mga bubog, nagpaalam muna sya kay Alex para bumaba.
Dawn: Anak. Bababa muna ako ha. Babalik din ako.
Alex: O-opo.
Bumaba na si Dawn. Tapos tumawag si Alex kay Daniel.
Alex: H-hello Daniel.
Daniel: Oh! Napatawag ka Alex! Kamusta na?
Alex: M-medyo hindi o-okay.
Daniel: Bakit naman? Kamusta si Juliana?
Alex: Y-yun na nga eh. P-wede bang kausapin mo si Juliana. Sabihin mo na wala naman talagang namamagitan satin.
Daniel: Ha? Bakit? Iniisip nya ba na may relation tayo?
Alex: H-hindi naman p-pero kasi... Basta! L-linawin mo na l-lang sa k-kanya.
Daniel: Ohh... Okay then. But pansin ko lang, parang utal utal kang magsalita. Is there something wrong?
Alex: Ahh... W-wala lang 'to. Nahulog l-lang kasi ako sa hagdan.
Daniel: Bakit ka nahulog?
Alex: N-na out of balance lang a-ako. Medyo shunga l-lang talaga ako.
Daniel: Naku naman! Ikaw kasi eh! Hindi ka nagiingat. Okay ka na ba?
Alex: Sus! Oo naman! Ako pa! O-okay lang ako. B-basta pakisabi yun kay J-juliana ah. T-tapos sabihin mo pinapasabi ko na s-sorry.
Daniel: Bakit ka nagsosorry?
Alex: Basta na. Sya na lang s-siguro ang magsasabi sayo, kung g-gusto nya. Sige na. G-gabi na eh. Bye.
Daniel: Bye.
--------------------------------------
Sorry po kung natagalan ulit. Nasira lang po kasi yung internet namin! >.<
~Author. :) <3 7 :D