She's Sick *part 2*

2.3K 24 3
                                    

FLASHBACK!!!

Maagang nagising si Dawn dahil sabi ni Richard na may appointment ito sa direktor ng bago nitong pelikula. Gigisingin sana nya ito ngunit naramdaman nyang mainit ang katawan nito.

Dawn: Babe. Mainit ka!

Richard: Love, d-dito k-ka lang please. Wag mo akong i-iwan.

Dawn: Ikukuha lang kita ng gamot

Richard: Dawn, Please! Wag mo akong iwan.

Dawn: Ay! ang kulit naman. Ikukuha nga lang kita ng gamot.

Richard: Wag na. Yakapin mo na lang ako.

Dawn: Babe! Nakakagamot ba yung yakap?!

Richard: Oo.

Dawn: Hay! Ang kulit mo! Kung di lang talaga kita mahal! (humiga sa tabi ni Richard at niyakap ito)

Maya-maya ay nakatulog ma din si Richard. Napagisipan nyang ipagluto si Richard ng soup pero alam nya namang hindi talaga sya marunong magluto. Nakakita sya ng sibuyas, kamatis, bawang, carrots at patatas. Una muna nyang hiniwa ang mga ingredients at saka nagpakulo ng tubig. Dahil nga hindi nya alam kung papaano magluto, sabay sabay nyang inilagay lahat ng mga rekado. Nilagay nya lang lahat ng ingredients na para bang pakukuluan lang ito. Nataranta naman sya nang may tumawag sa telepono nila.

*ring*ring*ring*

Hindi nya alam ang uunahin. Kung hahayaan nya ba ang niluluto nya o hindi na sasagutin ang telepono. Inisip nya na baka importanta ang tawag kaya napagdesisyunan nyang sagutin ang telepono pero bago nya iniwan ang niluluto, hininaan muna nya ang apoy at nilagyan ng isang kutsaritang asin.

Dawn: Hello. Good Morning, this is Dawn speaking. How may I help you?

???: Oh! Ikaw pala Dawn. Ako nga pala yung director ng bagong pelikula ni Richard. Ah, nasaan nga pala si Richard? Kasi mag s-start na kami at wala pa sya.

Dawn: Uhmm... Unfortunately may sakit sya direk eh. Mataas ang lagnat nya. So I guess hindi sya makakapunta dyan.

Direk: Ah.. Kung ganun, let him rest muna. I can reschedule it naman. Basta sabihin mo sa kanya na inform me as soon as he gets well.

Dawn: Yes direk!

Direk: Thanks, I have to go now. Bye!

End of phonecall

Dawn's P.O.V.

Pagkatpos kong kausapin yung director, pumunta na lang ako sa kusina. Nakita kong nangangalahati na yung pinakukulo ko. Siguro okay na ito. Teka, nilagyan ko na ba ito ng asin?? Sigruo hindi pa. Ayun, nilagyan ko ng isang kutsarang asin para sigurado na talagang may lasa to!! Pagkatapos kong lutuin ay inilagay ko na sa mangkok at dinala sa kwarto namin.

Pagkadating ko naman sa kwarto ay nakita kong natutulog pa din si Richard, pero nagising din naman sya sa lakas ng pagkabagsak ko ng pintuan. Paa lang kasi ang ginamit kong pangsara ng pinto eh! Hehe.. May hawak kasi yung mga kamay ko diba??

End of P.O.V.

Dawn: Hehe.. Sorry to wake you up.(sabay lapag ng dala nyang tray sa ibabaw ng maliit na table sa tabi ng kama)

Richard: Ok lang, ano ba yang dala mo?

Dawn:I made soup for you. I really dont know anything about cooking those things. Alam mo naman na kaya ko lang naman gawin sa pagluluto ay pagprito. But I tried my best to cook soup for you. 

Richard: Thanks but you really dont need to do that. Pwede naman tayong umorder na lang para hindi ka pa nahirapan.

Dawn: Yeah, but I want to cook for you.

Dreams Do Come True (chardawn fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon