Chapter 69 - He Did IT Again.

1.7K 39 14
                                    

Binaba na ni Dawn ang tawag. Pero nanatili ang malapad na ngiti sa kanyang mukha. Hindi nya mapigilang kiligin sa tuwing maririnig nya ang 3 salita na iyon galing kay Richard. I love you. Mas lalo pa syang kinilig nang tawagin syang love ni Richard. Ang sarap lang talagang pakinggan.

Ang sarap marinig na mahal ka rin ng taong mahal mo. At kahit na alam nyang bawal ang relasyon nila. Dahil nga may asawa sya, ay hinding hindi nya pagsisisihan ito. Alam nyang mali ito sa mata ng maraming tao. Oo. Pero isa lang ang alam nya. Masaya sya. Mali pero masaya. Masarap sa pakiramdam.

Inamoy ni Dawn ang mga bulaklak na pinadala ni Richard. Wala na talaga! Naisip nya. Na kung nakakamatay nga ang kilig ay siguro nakabulagta na sya. Isa ito sa pinakamasayang araw nya.

Tinawag nya ang isa sa mga katulong nila at pinalagay ang mga bulaklak sa vase. At pagtapos ay idisplay sa may sala. Agad naman syang sinunod at pagtapos ay kinausap sya nito.

Katulong: Uhmm.. Ma'am. Aalis po muna kami. Nagpaalam po kasi kami kay Mam Cleo na mag day off muna. Pumayag naman po sya.

Dawn: S-sige. Mga anong oras kayo babalik?

Katulong: Gabi na po siguro mam.

Dawn: Sige, magingat kayo ah.

Katulong: Opo. Salamat po.

At umalis na ang mga katulong nila. Magisa na lang ngayon si Dawn. Hindi nya maiwasang hindi malungkot dahil magisa lang sya. Wala syang makakadaldalan.

Bago pa man sya tuluyang malungkot ay nilibang na lang nya ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga tweet gamit ang iPhone nya. Napapangiti sya kapag nababasa ang mga ito.

Napakasaya ng araw nya ngayon. Sana ay wala nang makasira nito. Yan ang tumatakbo sa isip nya ngayon. Sana nga at magtuloy tuloy itong saya na ito.

Nagbasa pa sya ng mga tweet. Napatigil sya nang makatanggap ng text.

Galing iyon kay Richard.

From Richard:

~ Hi love! Busy? ❤️

Agad naman syang nagreply.

~ Hindi naman babe. Nagbabasa lang ako ng mga tweets. Bakit?

~ Wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa ngayon ng love ko.

~ Ahh.. Eh ikaw babe. Busy ka ba? ☺️

~ Hindi naman. Sinong kasama mo dyan ngayon?

~ Wala nga eh. Ang boring. Nasa mall nga kasi sila Mama. Buti na lang at may mga tweets ako na mababasa.

~ Gusto mo pumunta ako dyan love?

~ Wag na babe. Kailangan ka ni Juliana dyan. Okay lang naman ako dito. Pauwi na rin siguro sila Alex.

~ Ehh... Sige na nga. How about dinner later? Maybe I should say date.

Kinilig naman si Dawn dahil niyayaya sya ni Richard na magdate mamaya.

~ Sure. What time?

Habang hinihintay ni Dawn ang reply ni Richard. Pinalitan nya ang pangalan ni Richard sa contacts nya. From Richard to Babe ❤️

Matagal bago magreply si Richard kaya nanood muna sya. Maya-maya ay may nagdoorbell. Dahil nga hindi nagreply agad si Richard. Iniisip nyang si Richard iyon. Kaya tumayo sya agad at nagmamadaling buksan ang pintuan.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad syang nagsalita.

Dawn: Oh! Babe! Diba sinabi ko nam-- A-anton?!

Dreams Do Come True (chardawn fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon