Nagtatampisaw sila Dawn habang bumubuhos ang malakas na ulan..
Alex: Teka lang ho! may kukunin ho ako sa likod.
Dawn: Sige anak! dito lang kami.
Richard: mag ingat ka at medyo madulas.
Alex: Opo! (umalis na)
RIchard: Dawn, hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito! (nakatitig kay Dawn at hinihmas himas ung mukha ni Dawn)
Dawn: Kahit ako din, hindi ko naisip na mabubuo tayo!
Maglalapit na sana ang mga mukha nila nang bigla nilang nakita si Alex... (Hopia!!!)
Alex: Ay! Sorry po nakaka abala ako. (may hawak na tabong may lamang tubig)
Dawn: H--hindi! Teka! Bakit may tabo kang dala? Para saan yan?
Alex: Edi para po dito!!!!! (binuhusan si Richard at tumakbo silang dalawa ni Dawn)
Richard: AH ganun?!?!?!?
Naghahabulan ulit sila, nang mahuli nya si Alex kumuha sya ng putik at pinahiran sya sa mukha.
Alex: Papa naman eh!!!!! (tampo face)
Dawn: (pasimpleng pumunta sa likod ni Richard at nilagyan si Richard sa mukha)
Alex: (kumawala sa pagkayakap ni Richard sa kanya)
Richard: Kayo talaga!! pinagkakaisahan nyo ako!!!
Naghahabulan lang sila hanggang sa mapagod sila at tumila ang ulan. Nagdesisyon silang pumasok na.
Dawn: Halika na! Pumasok na tayo!
Alex: Oo nga po. Pagod na rin po ako eh!
Richard: Sige! Magbihis na kayo. May tig iisa namang CR sa bawat kwarto. Dun ka na sa Kwarto mo magbihs Alex.
Alex: Wow! may sarili po akong kwarto!!! (excited)
Richard: Oo naman. Pero simpleng kwarto pa lang yun kasi hindi ko naman alam kung lalaki o babae ang anak namin eh. Hayaan mo, ipapaayos ko na lang yung kwarto mo bukas na bukas.
Alex: Agad agad?!?! Ok lang namn po kahit ano. Saan po ba dyan?
TInuro ni RIchard kay Alex yung kwarto nya. Umakyat na si Alex at naiwan sila Richard at Dawn.
Dawn: Ako na lang ang bahala sa gagastusin sa pagpapaayos sa kwarto ni Alex.
Richard: Dawn, Ako na ang bahala ok lang naman sa akin eh!!
Dawn: Masyado nang marami ang ginastos mo Chard, hayaan mo namang ako ang gumastos this time.
Richard: Sige, para hindi ka masyadong mahirapan. Hati na lang tayo sa gagastusin.
Dawn: ok, saan ba ang kwarto? magbibihis na ako.
Richard: Dun ka na lang sa master's bedroom.
Dawn: Saan ba yun?
Richard: Basta pag akyat mo makikita mo yun doon. May nakalagay dun sa may pintuan nun.
Dawn: Ano nakalagay?
Richard: Basta makikita mo!!
Dawn: Baka iba ang mapasukan kong kwarto.
Richard: Basta nga!! Promise!! pagnakita mo yun sigurado akong alam mo na dun yun!!
Dawn: Sige na nga! Magbibihis lang ako saglit ha!
Umakyat na si Dawn. nakita nya ang nakalagay sa pintuan na " Richard & Dawn"