BBRM: JUDE'S STORY

371 9 0
                                    

LEMUELA'S POV



Si Jude Law ang sumunod na nag-asawa. Halos pitong taon din niyang hinintay si VeneXity. Na-love at first sight ang aking binatilyo sa isang high student habang nasa Police Academy na rin siya. Sila ni Justine ang naka-assign sa infirmary ng araw na iyon ng una niyang masulyapan ang dalaga. Hiningi nga daw niya ang cell number nito kaya lang, may binatilyong nakabakod sa kanya at mukhang boyfriend yata niya.



Hindi playboy ang aking pangatlong anak na lalaki. Sa awa ng Dyos, wala naman sa kanilang nag-akyat ng kung sinu-sinong babae sa mansion. I should know dahil faithful si Justice sa aming pagsasama. Syiempre, hindi rin kami nakaligtas sa mga pagsubok.



Malihim ang aking binata at muli pala silang nagkita ng dalaga ng ito ay nasa kolehiyo na rin. Nai-date pa nga daw niya. At naisama niya sa loob ng sinehan sa VeneXity.



"Grabehhh! Mom... Para akong hihimatayin sa nerbyos..." Kuwento niya sa akin. Natawa si Justine dahil nakapa-unusual daw na kiligin ang kuya niya.


"Uy Kuya. Mahiya ka nga...Kalalaki mong tao, kung kiligin ka daig mo pa ang babae." Inismiran niya ang kanyang kuya Jude. "Anglandi mo." Saka siya umalis.



Nakilala niya si VeneXity sa isang campsite sa sending off ng mga Fourth Year students ng Trinity HIgh . Kami ang namamahala sa campsite na iyon. Isa iyon sa mga ipinagmamalaking property na minana ni Justice sa kanyang mga magulang. Hindi niya iyon ibinenta sa mga foreign investors interesadong bumili sa loteng iyon.



"I'm gonna marry her someday. I clearly see the signs , Mom"



Pero hanggang kuwento lang siya. After that, matagal-tagal din ng muli siyang magkuwento. Later on, nalaman kong aksidente silang nagkitang muli at isa nang fashion designer si VeneXity. They had a formal date . Madalas siyang dumalaw sa unit ng dalaga sa HallyuTowers. Pinangunahan ko na siya na kung puwede ay maging maingat at huwag lalampas sa kanilang limitasyon.



Ang totoo, hindi pa ako sa kanya naniniwala. Baka iniistir lang niya ako. Pinapasakay na may girlfriend kunwari. Ayaw lang aminin na mahina ang loob dumiskarte. Pero ng dalawin siya ni VeneXity, nang ipasundo niya ito sa OliGroup sa Skycraper at nakita ko siya ng personal saka lang ako naniwala.



"You mean, all this time you think I'm a liar!" Dismayadong sabi ni Jude.


"Hindi naman sa ganoon..."Sabi ko naman para hindi naman siya ma-disappoint.


"Sarili ko pa palang nanay, walang tiwala sa akin, tsk!tsk!tsk!"


"Baka kasi nag-iilusyon ka lang. Alam mo na..." Napakibit-balikat lang si Justice.



Hindi sapat na nakita na niya ang mga signs ( kung anumang signs ang hinahanap niya ) dahil sinubukan sila kaagad ng tadhana. Dumating ang ex-bf nitong si VeneXity at nagparaya ang anak ko dahil sa age gap nilang dalawa. Ang biglaan niyang pagpapaa-assign sa Baguio City ang nagdala sa dalaga ng isang malagim na aksidente. Hindi namin inasahan ang aksidenteng iyon. Inako si Jude ang lahat ng gastusin.



Nagulat na lang ako ng tanggapin niya malaking responsibilidad na iyon.



"Mom, pasensiya na po. Hindi siya maaaksidente kung hindi niya ako sinundan dito ." Iyak siya ng iyak. mahigpit siyang yumakap sa akin. Hindi daw niya matatanggap kung may mamamatay si VeneXity dahil sa idinulot niyang kabiguan dito. Mahal na mahal nga niya ang dalaga, wala na akong duda.



Matapos siyang ipadala sa Afghanistan for a relief mission , nagpakasal sila ni Xity . Hindi ko alam na laman pala ng bawat dasal niya na makatuluyan niya si Xity . Hindi naman siya nabigo ng mga signs na hiningi niya sa Diyos. Siya lang ang anak ko na mahilig humingi ng signs at hindi naman siya binigo ng kanyang pananalig sa Diyos. Sinagot ang kanyang mga dasal after 7 years kaya siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo nang makatuluyan niya si Xity.



Sa campsite din nahuli ni Justice at Jude ang kanyang panganay na si Jarred at Leuwisa ng magkaroon muli ng team building ang Trinity High after 12 years. Ang puno ng mangga kung saan madalas pugaran ng mag-sing-irog, kung saan minsan ding nagtago sina Leuwan at VeneXity at ganoon din ang kanilang mga anak.



Nakakatuwang isipin, bagama't halos perfect match na sina Leuwan at Xity, mga anak pala nila ang magkakatuluyan. Perfect Match pa rin sina Jude at Xity.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now