LEE'S POV
Maaga akong bumangon para mag-jogging. Nadaanan ko sina Mommy at Daddy sa tabi ng pool . Doon sila nagkape ng umagang iyon. Inaabangan kong mag-jogging sina Dan at Jazzy.
"Good morning, Mom, Dad..."
"Magkape ka muna..." Sabi ni Mommy.
"Mamaya na po, pagkatapos ko..." Dumiretso ako sa dating ruta namin tuwing nagdya-jogging kami noong mga bata pa kami. Tinungo ko ang malawak na lupain sa likod ng mansion. Hindi pa masyadong sumisikat ang araw pero maliwanag na sa labas.
Naikot ko ang dating track pabalik sa bakuran ng mansion ng mapansin ko si Danica. Mukhang mag-isa lang siya. Napansin kong dumaan siya sa likod-bahay. Nadaanan niya doon sina Mommy at Daddy. Tiningnan ko kung anong ginagawa nila. Binati niya ang dalawa at hinalikan sa pisngi. Humigop siya ng kape at nagpaalam.
Sumadya ako sa pool area. Kinuha ko ang mug ni Danica at doon din ako humigop ng kape.
"Uy, sundan mo nga si Danica at mag-isang nag-jogging . Ayaw daw mag-jogging ni Jazzy. "
"Sige, Mom..."
"Lee..."
"Yap... ano po 'yon?"
"Huwag mong takutin."
"Ako pa. Harmless, hindi nangangagat. Safe na safe siya sa akin." Sabay tawa ko sa kanila. Nakita ko ang makahulugang ngiti ni Daddy. It's my turn...
Nakita kong inisa-isa niya ang mga obstacle course . Naabutan ko siyang inaakyat ng dahan-dahan ang tila lambat na sapot na gawa sa malalaking lubid. Ngunit di sinasadyang sumabit ang kanyang sapatos sa maliit na lambat at nahirapan siyang makaalis kaagad doon. Nakaupo siya sa malaking troso sa tuktok habang inaalis iyon ngunit gumalaw ang lambat ng umakyat ako para tingnan ang nangyari sa kanya.
"Kuya, tulungan mo ako , please..." Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.
"Stay still..."Nahulog na ang kanyang rubbershoes. Paa na lang niya ang kanyang kailangang alisin. Umuga ng konti ang troso kaya inabot niya kaagad ang aking kamay sa takot.
Nakahinga ng maluwag si Danica ng matanggal ang paa niya sa lubid. Nagmadali kaming bumaba. Paatras kaming bumaba. Nasa unahan ko siya. Hindi na ako lumingon sa taas at baka puwetan niya ang sumayad sa aking mukha. Napahagulgol siya sa nerbiyos ng makaupo siya sa damuhan. Yumuko siya sa kanyang tuhod at umiyak.
"Tahan na... Okay na..." Hinagod ko ang likuran niya. "Baka mamaya sabihin naman nila tinatakot kita."
"Salamat, Kuya." Nag-angat siya ng mukha at nagkatitigan kaming dalawa. Pinahid ko ang luha niya at bigla ko na lang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Bakit?" natulala ako at napaatras. Ano bang balak kong gawin? Wala. Wala akong balak gawin. OO nga...wala talaga...
Itinayo ko siya.
"Ano? magdya-jogging ka pa ba?" Tumango naman siya atsaka pinauna ko na siya. Sabay kaming umikot ng dalawang beses hanggang sa bakuran.
"Kuya, puwede ko na bang makuha ang susi ko?"
"Bakit nagsorry ka na ba sa akin?"
"Hindi pa..."
"So, why are you asking for your keys?"
"Eh kailangan ko na eh... besides hindi ko naman sinasadyang pasukin ka sa kuwarto mo ah..."
"Excuse ba 'yung lasing ka kaya hindi mo alam ang ginagawa mo. No, no, no... Say sorry to me first. Kailangan mong matutong mag-sorry. Makikinig ako..." Huminto kami sa may obstacle course. Sa Web Crawl uli kami huminto. Nilapitan ko siya at umatras siya ng umatras. Natumba siya sa lambat na lubid at nahila niya ako. Muli niya akong hinalikan. Inilabas pa niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ko.
"Hindi pa ba sapat ang halik ko para ibigay mo na sa akin ang susi ko." nagulat ako sa sinabi niya. Napangiti ako sa kanya. Tumayo ako at kunwari'y dumakot sa bulsa. Inilahad niya ang kanyang palad sa pag-aakalang susi ang ibibigay ko sa kanya ngunit nanatili akong nakapamulsa.
"What!?"
"NO... Hindi 'yan ang hinihingi kong gawin mo..."
Hahaha, akala niya maiisahan niya ako. Sorry lang naman eh...Say sorry, iyon lang naman.... May bonus pa akong kiss. Sweet morning kiss, hindi na masama.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...