LEE'S POV
Pagkatapos kong ihatid si Jazzy dumaan muna ako ng simbahan. Araw –araw ko namang ginagawa iyon. Madalas akong mangumpisal lalo pa kung masyadong nababagabag ang aking konsensiya dala ng aking propesyon. Kapag natatakot ako at nalulungkot, mas gusto kong kumausap ng Spiritual Adviser or Couselor para lang mapanatag ang puso't isipan ko.
Nilapitan ako ng pari na madalas kong makita doon matapos kong magdasal.
"Good morning , Father..."
"Good morning, Iho. Madalas ka ba dito?" Tumango lang ako sa kanya. Nginitian niya ako. "Halos araw – araw kitang nakikita ditong nagsisimba. Madalas kitang mapuna na lumalabas ng confession box."
"Father, pasensiya na po..." Tumayo na ako. Medyo awkward ang sitwasyon kaya lalabas na sana ako para hindi na siya masyado pang mag-usisa.
"May matindi bang bumabagabag sa iyo?" Inakbayan pa niya ako habang papalabas na sana ako. "Baka gusto mo munang makipagkuwentuhan sa akin?" Sabi niya. " Ako pala si Fr. Pio Llamanzares. Isa akong misyonero at matagal na akong naka-assign sa parokyang ito. Isa akong Portuges. Kababayan ko si Magellan." Nagbiro pa ang pari. BIhasa na siyang managalog .
Matangkad at malaki ang pangangatawan ng pari. Maganda ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, mestisuhin ika nga, may kakapalan ang kilay at mabalahibo ang braso. Halata namang nag-aahit siya ng kanyang bigote at balbas.
Isinama niya ako sa likod ng simbahan. Noon ko lang iyon napuntahan. Nandoon ang isang grotto na tulad din ng nasa bakuran ng mansion. Malawak ang kanilang luntiang hardin. Malamig sa paningin at sa pakiramdam ang lugar. Basa pa ang semento at halatang kadidilig pa lamang ng mga halaman dito. Naupo kami sa mga upuang gawa sa semento.
"Kuya Gardo, puwede mo ba kaming ikuha ng kape?"
"Yes, Father..." Tugon ng binatang hardinero. Naghugas siya ng kamay at nagmadaling umakyat sa kusina ng simbahan.
"Baka gusto mong i-share sa akin ang anumang problema mo, para sa ikagagaan ng iyong kalooban. Makikinig ako!"
"Father, kasi po... Ah , paano ko po ba uumpisahan?" Nagdadalawang isip pa ako.
"Anong pangalan mo? Nagtatrabaho ka ba? "
"Father , ako po pala si Leeam Juz Lorenzo..."
"Ah, Leeam Juz Lorenzo... pamilyar ang pangalan mo. Parang kailan lang ay narinig ko ang pangalan mo sa..." Biglang huminto ang para. Sinipat-sipat ang aking mukha. Tila ba mayroon siyang naaalala. "Ah, tama... Isa ka bang pulis?" Diretsahan niyang tanong. Matalas ang memorya ng pari. Naalala niya ako dahil lang sa telebisyon. Tumango lang ako. "Anong problema, Iho? Anong bumabagabag sa iyo?"
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...