CLOUD 9

127 5 0
                                    

LEE'S POV



This feeling is what I am exactly dreaming of. Gosh, ito ang pakiramdam ng in-love. Lord, thank you for making me in- love today. Ganito pala ang pakiramdam. Ganito pala ang sinasabi nila. This is it! Pakiramdam ko, hindi natatanggal ang ngiti ko sa labi ko. Sus! Ampogi ko talaga ngayon... Confident akong bumaba para mag-almusal. Lahat sila ay nakatingin sa akin na parang hindi ako napagalitan kagabi lang.



"Good morning everyone. What's for breakfast?" Tanong ko. Kinuha ko ang plato ko at tiningnan ang nakahain sa mesa.


"Wow! Kuya, let me think... Parang may kakaiba sa iyo ngayon ha! Grabeh, overflowing ang kaguwapuhan mo..."


"Huh! In love ha... " Parang ngiting aso lang si Mama.


"Aba, first time kong marinig na in love na ang aking 2nd son. For the longest time, ngayon lang..." Nagkatawanan kami. Hindi ko mapigilan ang saya ko ng umagang iyon.



Syiempre, sino bang hindi magiging masaya? Inamin din ni Danica na mahal niya ako. At kami na. May girlfriend na rin ako.



"Kayo na ba ni Danica?"


"Bakit hindi mo tanungin ang kaibigan mo?"


"Tell me, Kuya... Kayo na ba? Please, tell me... Please... Please..."


"Kumain ka na nga? Baka maunahan pa kitang pumasok ng klase."


"Uy kuya ha!"


"Bahala ka." Napansin kong may tawag sa aking cellphone. Si Danica ang nasa linya. Hindi ko masagot kaagad kasi kabilin-bilinan sa amin na bawal makipag-usap sa cellphone habang nasa harap ng pagkain. Nakailang tawag din siya. nakatitig lang sa akin si Mama. Nakangiti lang ako. Wala naman siyang magawa kasi masaya naman ako.


"Mama, alis na po ako..."


"Maaga ka bang uuwi?"


"I'll let you know, Ma. I'll make a call."



Iba na ngayon. I want to take most of the time na puwede sa schedule na makakasama ko si Danica. I feel running out of time. I can't hold on to what fate comes to us in the end. Hindi ko kontrolado ang lahat. Hindi ko mapipigilan ang mga bagay na posibleng mangyari. Sa isang iglap, puwede akong paboran ng tadhana. Puwede ring bawiin sa akin sa isang pitik ng kamay ng Diyos at sabihin niyang hindi pala puwede.



"Hi, Danica. Sorry kung hindi ko natanggap kaagad ang tawag mo. Kumakain kasi ako. How's your sleep?"


"That's good. Better not to be late..."



Pero ang siste, na-late silang dalawa ni Jazzy. Kinakantyawan kasi sila ng mga kaklase nila kaya anong magagawa ko. Kahiyaan na lang.



"Hindi puwede 'yan... 10 minutes na kayong late o..." Mayroon pang tumatakbo talaga at humahabol sa klase ko. Sa harap sila pumuwesto, nasa gitna si Danica at titig na titig kami sa isa't isa. Makapigil hininga ang mga pangyayari. 10 push ups lang naman eh. Sampu naman silang lahat na late sa morning class ko.



Pagkatapos ng klase, halos habulin ko sila ni Jazzy sa kantin. Hindi nila ako iniimikan. Hindi ko naitago ang saya ko. Nakangiti pa rin ako habang tinatanong ko siya.



"Bakit ka ba late?"


"Kasi Kuya, sinundo pa niya ako eh."


"Sabi ko kasi sa iyo, magpaturo ka na kay PO1 Ojeda ng pagda-drive para hindi ka na nagpapasundo." Sumimangot ang kapatid ko. Wala akong magagawa. Hindi ko naman puwedeng iabsuwelto si Danica at hindi si Jazzy. Pareho na lang sila.


"Talagang pinag-push ups mo ako ha!" Nagmamaktol si Danica. Hindi porke't boyfriend niya ako eh puwede na sa akin ang ugali niya. Wala pa ring palakasan pagdating sa klase.


"It's not my fault. Hey, smile naman..." Sinalat ko ang baba niya. "Labas tayo mamaya...Wala pa naman kayong masyadong gagawin ngayon di ba? Katatapos lang ng exams."


"Ayoko..." Pero kanina pa palang nakatingin sa amin si Jazzy.


"Kayo na ba ng kuya ko?" Tanong ni Jazzy sa kaibigan niya.


"Isn't it great?" Sabi niya...


"Sige, kayo na ang masaya. Congratulations!"



Hindi ko na inintindi kung kailan ang kasal ni Danica. Para sa akin ang pagpapakasal niya ang katapusan ng aking malawak na pantasya na magkaroon ng girlfriend. Okay, kahit bago man lang siya mag-asawa ay naiparanas niya sa akin kung paano ang pakiramdam na magkaroon ng taong minamahal kahit alam mong hindi siya ang iyong forever. Well, I have no reason to get bitter at tumulad sa may mga hugot dahil sa kasawian nila sa pag-ibig. Para sa akin, kung saan man kami humantong ni Danica at kung saan matapos ang aming relasyon...alam kong may dahilan ang lahat.



I won' hold on to her forever.



But still I believe in FOREVER...



Hindi nga lang ngayon at baka hindi pa nga kay Danica.



Basta, masaya ako dahil kasama ko siya. Masaya kaming dalawa na parang wala kaming problema. Hindi ko nakikita kay Danica ang anumang pag-aalala. Masayang masaya siya at kuntento sa aming bawal na relasyon.



Bawal?



OO, para sa akin, iyon ay bawal. Hindi iyon nagpapakita ng pagiging loyal sa kanyang fiancée because behind his back ganito ang ginagawa niya. Whatever her reasons for doing that... I'll let her be. Igagalang ko ang pasya niya. Kung sabihin niyang ihinto na namin, fine, sige, I'll stop.



But while things are better, I'll be happy and contented with her.



This is my only chance to be with her. And love her.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now