LEE'S POV
Kunwari ko lang ang sinabi ko. Napaisip akong bigla sa sinabi niya. Hindi ko akalaing sa edad niyang iyon ay malapit na isyang ikasal. Ni hindi ko man lang nabalitaan kay Jazzy na may boyfriend na si Danica. Sa akin pa nga niya inirereto ang kaibigan tapos may boyfriend na pala siya at ikakasal na.
NO, THIS HAS TO STOP.
Pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko dahil ayokong makasira ng relasyon. Tulad ng ginagawa nina jazzy at Danica tuwing weekend, nagsu-swimming sila, nagdya-jogging at nagpapahinga sa lilm ng puno sa bakuran. Pinupunan nila ang ilang linggo nilang di pagpapansinan. Wala kaong narinig sa kanila kundi tawanan, hagikhikan at kulitan. Nagtatakbuhan pa sila sa damuhan sa harap ng aming bakuran. Hihiga sa aming web crawl sa likod – bahay at mapapaunahang pumasok sa kabahayan.
Aliw na aliw silang dalawa. Miss na miss ang isa't isa. Nagbisi-bisihan din ako. Hindi ako lumalabas ng kuwarto kapag nasa sala sila at nanunood ng HBO. Pero hindi ako puwedeng hindi sasabay sa pagkain. Magagalit si Mama. Ayoko ring magpahalata. Lihim na napapasulyap sa akin si Danica nang mag-almusal kami. pagkatapos noon, hindi ko na sila inabala ni Jazzy.
"Kuya, sama ka sa amin ni Danica..." May sasabihin pa sana siya kaya lang sinabi kong hindi puwede.
"May tatapusin akong report. Pasensiya na Sis..."
"Okay lang kuya."
"Take your time with Danica. Alam kong namiss ninyo ang isa't isa." Hindi ko tiningnan si Danica. Ayokong makahalata siya na umiiwas lang ako.
"Sir, magsu-swimming ako mamaya, gusto mo ba akong samahan."
"Pasensiya na kasi..."
"Kuya, sige na... Sama ka na!"
"Susunod na lang ako..." Pero hindi ko talaga balak sumunod.
Magkasama ulit kaming nagsimba pero nagpumilit si Jazzy na umupo sa harapan kaya hindi ko na siya pinalipat sa likod.
"Halika, Iha. Dito ka na lang sa tabi ko" Sabi ni Mama.
" Lee, kumusta sa academy?" Tanong ni Papa.
"May magaganda bang propesora doon ngayon?"
"Mmmm, meroon din po."
"Ano? Nakahanap ka ba?"
"Pssst! Ano ka ba naman, Justice?" Pinatigil niya si Papa. Alam kasi ni Mama na gusto ko si Danica.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...