LEMUELA'S POV
Hindi ganoon kadaling maging ina sa tatlong magkakasunod na lalaki. Dalawang taon ang pagitan ng bawat isa sa kanila. Si Just Ice ang panganay, sinundan ni Leeam Juz at ni Jude Law. Sinundan pa ng dalawang babae, sina Justine Lemery at Jazzy Lane na pinakabunso sa lahat. Limang magkakaibang bata. Iba't iba ang kanilang ugali at sumpong, maging sa pagkain at sa paraan ng pananamit pero lahat sila iisa ang hilig. Syiempre, kung ano ang magulang at kung ano ang nakalakhan nila sa paligid iyon din ang inaasahan kong kahihiligan nila. Iba- iba rin ang kuwento ng kanilang lovelife. Being their mother, I know all of it.
Anong malay ko sa pagpapalaki ng mga batang lalaki? Lumaki ako na pareho kaming babae ni Romuela. Napaliligiran ng kalalakihan ang aking propesyon dahil pulis ang kinuha ko. Pero habang lumalaki sila, doon ako natututo sa kanila.
Natutukan ko silang alagaan dahil hindi na ako pinayagan ni Justice na ituloy ang aking serbisyo sa pulisya. Pagbalik namin galing Amerika naging plain housewife na ako. Puro lalaki ang kasama ko. Hindi ako nahirapang magpalaki ng anak dahil kasama ko si Nanay. Ayaw niyang pumisan sa amin kaya madalas akong tumawag sa kanya. May mga pagkakataong nananatili siya sa bahay ng dalawang linggo o higit pa hanggang sa maging maayos ang sitwasyon namin sa mansion. Syiempre, sa tuwing manganganak ako, palaging nandoon siya.
Noong mga bata pa sila , behave sila pagdating sa akin. Kapag si Justice na ang kasama nila, lahat ng kakulitan ay nailalabas nila dahil pare-pareho naman silang mga lalaki. Sinanay ni Justice ang mga bata na gumising ng maaga. Nagdya-jogging sila paikot sa malawak ng bakuran ng mansion, umaabot pa sila hanggang sa likod bahay. Kapag tinitingnan ko sila, para lang akong nasa barracks ng mga trainees.
Magpapahanda sila sa akin ng almusal sa bakuran ng mansion, sa lugar kung saan malilim at malamig ang simoy ng hangin. Maingay silang kumain pero kapag tumikhim na ako at nagsimula ko na silang titigan isa-isa at bigla akong huminto sa pagkain, alam na nila ang ibig sabihin, pati si Justice ay nananahimik.
Syiempre, sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang pagkalalaki at sa seremonya ng kanilang pagbibinata, si Justice na ang bahala doon. Lahat naman sila sa akin sumubsob at umiyak ng masaktan. Hindi sila mahirap palakihin. Hindi nila ako binigyan ng sakit ng ulo. Na-enjoy ko talaga ang pag-aalaga sa kanila.
Mami-miss ko sila kapag isa-isa na silang nagsipag-asawa.
YOU ARE READING
POLICE STORY
AzioneDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...