JUSTINE'S POV
Bago ko malamang umalis si Kuya Lee , natanaw ko ang masinsinan pag-uusap nilang tatlo sa ilalim ng puno. Nagtaka ako kasi minsan lang talaga iyong mangyari. Natuwa ako dahil kahit may mga edad na sila, malapit pa rin sila sa isa't isa. Hindi ko sila nakitang nag-away. Pero sa kabilang banda ay nag-aalala ako. Parang may nagpapaalam sa kanila.
Inisip ko na lang na nagpapaalam si Kuya Ice dahil sa biglaan niyang pagpapakasal. Alam kong hindi sila titira ni Shandy sa mansion. Mukhang bubukod sila ng tirahan.
Noong araw na iyon hindi ko napansin si Kuya Lee sa mansion. Kadalasan naman talagang hindi nagtatagpo ang mga schedule namin. Busy ako sa crime lab at si Jazzy naman sa pag-aaral niya. Si Kuya Jude naman eh busy din pero gabi ko siya madalas makita sa bahay. Nang araw na iyon, biglang bigla din ang desisyon ni Kuya Jude. Paakyat siya ng Baguio dala ang isang job order. Nagpalipat siya ng destino doon.
"Kuya..."
"Kahit anong mangyari, huwag na huwag mong babanggitin kay VeneXity kung nasaan ako."
"Paano kung magpunta siya dito at pilitin ako? Ngayon din alis mo?"
"Justine please..."
"May nangyari ba inyong dalawa para takasan mo siya ng ganito?"
"Huwag ka nang maraming tanong?"
"I don't know what's wrong with you? Padasal-dasal ka pa. Pahiling-hiling ka pa sa Diyos na sana magkita kayong muli ni VeneXity, na sana, makatuluyan mo siya tapos...."
"Enough, not a single word from you"
"Alam mo Kuya, you are so unfair. Babae din ako. Maatim mo bang ganyan din ang gawin sa akin ng lalaking mamahalin ko?"
"Ano ka ba? Iba si Xity? Iba ka?
"Pareho kaming babae , Kuya. Madali kaming masaktan. May kahinaan din kami. " Hindi nagpapigil si Kuya Jude. Iniba ko ang usapan. .
"Kuya..."
"Bakit? " Sabay lingon sa akin habang humihigop ng kape.
"Nasaan si Kuya Lee?"
"Bakit? Nandyan lang 'yun sa tabi-tabi? Anong kailangan mo?"
"You are hiding something from me..."
"Ano kaya?"
"Hay, Kuya... huwag kang magkaila sa akin. I know you..."
"Hayun natuluyan na ang kuya mo. Pumasok na sa seminaryo. Satisfied?"
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit siya pumasok ng seminaryo? Is he out of his mind?"
"Anong out of his mind? Pumasok ba 'yong mga pari sa bokasyong iyon dahil "out of his mind " lang?"
"Bakit nga, Kuya?"
"Ano ka ba? Hindi ko masasagot ang tanong mo. Iyon ang tawag sa kanya ng Diyos, maging pari..."
"Eh di ba pulis na siya?"
"Eh ano naman kung pulis na siya? Puwede pa rin siyang maging pari..."
"Talaga!"
Hindi na ako magtataka kung maisip ni Kuya ang pagpapari. Sa tatlo naming kuya, kahit malapit ako kay Kuya Jude dahil magkasunuran lang kami, mas malapit ako kay Kuya Lee dahil madalas namin siyang makasama ni Jazzy sa kulitan. Madami kaming pinagkakasunduan, di tulad nina Kuya Jude at Ice na busy at seryoso sa trabaho. Gusto ng promotion kaya hindi pinalalampas ang pag-aaral. Sa gabi naman, puro sila operasyon.
Kaya si Kuya Lee, after ng mga imbestigasyon nila... may panahon pa siya para umuwi at kahit papaano ay magpahinga. Nagdi-day-off pa rin siya kaya may bonding time pa rin kaming tatlo. Madalas lang naman kaming magbabad sa pool sa likod-bahay, kumain sa labas at manuod ng sine. Pero mas madalas nila iyong gawin ni Jazzy. Abala din ako sa aking trabaho kaya kapag may nilalamay akong report, hindi na rin ako nakakauwi. Sa sleeping quarters ng presinto ako natutulog, saka ako nagpapahatid sa driver namin pauwi.
Alam kong mas may higit na malulungkot kaysa sa akin. Samantala napansin kong padabog na umakyat si Jazzy diretso sa kuwarto ni Kuya Lee.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...