LEE'S POV
Yes, I barely tell mom the truth about the trauma that was going on with me after we encountered that ambush. It was a great ambush to kill all of us . Kung namatay kami ng araw na iyon, malamang si Daddy na lang ang buhay sa aming pamilya. Well, si Justine pa lang ang babae sa pamilya namin noong mga panahong iyon. Actually, mom got miscarriage. Everything seemed like a nightmare to us. After that, Jazzy was born.
Binaon ko ang takot na iyon hanggang sa aking paglaki. Sinubukan ko pa ring kaibiganin ang baril. Ayoko siyang katakutan dahil baka ako kantyawan ni Kuya at ng nakababata kong kapatid na si Jude na madalas magyabang kapag nagkukuwentuhan kami. Siya ang madalas na humahawak sa mga baril na iyon kahit bawal. Minsan ko nga lang hinawakan iyon ay saka pa ako nahuli ni Mommy. Hindi ko masabi na sinusubukan ko lang. Ang totoo, takot nga ako eh! Nakikita ko pa lang ay natatakot na ako.
Kaya ko naisip maging private investigator. Naisip ko na dahil imbestigador lang ako ay hindi na ako hahawak ng baril pero mali pala ang akala ko. Pulis pa rin ako. Kailangan ko pa rin ng baril kung kinakailangan.
Hindi madali ang pinagdadaanan ko. Ako lang mismo ang gumagamot sa sarili ko kasama ng aking mga dasal.
Hanggang sa bigla ko na lang naisip ,
paano kung umalis na lang ako sa pagpupulis at mag-iba ako ng propesyon ?
Ah sa edad kong ito, anong propesyon ang papasukin ko?
Magtuturo na lang ako.
Tama!
Eh! Paano kung magpari ako?
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...