LEE'S POV
Nag-file ako ng leave sa pagtuturo. Hindi ko kayang dayain ang sarili ko. Hindi ko kayang magturo kung paulit-ulit kong maaalala si Danica habang bakante ang kanyang upuan. Baka bigla akong maiyak at magtaka pa sila kumbakit. Kailangan ko lang nang sapat na panahon. Mas kailangan ako ni Danica ngayon.
"Laban, Danica... LABAN!" Bulong ko sa kanya. Nakakaawa ang kanyang hitsura. Kinalbo siya ng mga salarin. Pinagsasaksak at binaboy ang kanyang katawan. "Huwag mo akong iwan, Danica. Baka hindi ko kayanin. Gumising ka na. Magpapakasal pa tayo at bubuo ng pamilya."
Naramdaman ko ang kamay sa aking balikat. Pinahid ko iyon. Pagtingin ko, si Mira pala.
"Si Danica pala ang mapalad na babae."
"Mahal na mahal ko siya Mira."
"Nakita ko nga..." Iba ang tono ng kanyang mga salita. Napabuntunghininga siya. "Ipinagdasal ko na bigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay at maparusahan ang mga taong gumawa sa kanya ng ganitong kahalayan. Alam mo bang ni-rape siya" Tumango lang ako.
"But those lacerations are not from the rape... it was a three day old cut and not forced... Sa tingin ko , may kinalaman ka dito."
"Anglakas ng instinct mo, Mira..." Hinila ko siya palabas ng ICU. Nagpapanting ang tenga ko sa mga sinasabi niya. Mukhang delikado sa kanya si Danica.
"Don't worry, hindi ko ipagpapalit ang tsapa ko at ang dangal ko bilang pulis para sa babaeng iyan. Mabuhay man siya ngayon, alam ng buong bayan ang nangyari sa kanya. Mabubuhay siyang walang kuwenta at kaawa-awa. Ulila na siya, dapat lang sa kanya ay sumunod na lang sa pamilya niya."
"Are you saying this to me dahil alam mong mahal ko siya? Lumaban ka ng patas, Mira. Kapag may nangyari kay Danica habang nasa pangangalaga mo, hinding hindi ako magdadalawang isip sa mangyayari sa iyo."
"Hawak ko ang buhay niya ngayon, Lee. Huwag mo akong pagbantaan dahil hindi lahat ng oras ay mababantayan mo ang pinakamamahal mong si Danica. Isang kisap-mata ay puwedeng mamatay siya."
"Hindi ka Diyos, tandaan mo 'yan. Matakot ka sa mga sinasabi mo."
"Okay let's deal.... Aalagaan ko si Danica sa ganang aking makakaya. Babantayan ko siya sa sinumang magtangka sa buhay niya. For sure, babalikan siya dito ng gang na gumawa sa kanila nito lalo pa't siya lang ang survivor na puwedeng tumestigo sa kanila kapag nabuhay siya. "
"At kapalit noon..."
"Ikaw... Ikaw ang gusto kong kapalit noon."
"Lumabas din ang totoo mong kulay , Mira. Hindi ko akalaing ganyan ka talaga kadesperada. Huwag mong gawing miserable ang buhay mo sa akin. Hindi natuturuan ng puso."
"OO, desperado na ako. OO, gagawin ko ang lahat maging akin ka lang. OO, ngayon kailangan mong turuan ang puso mo para mahalin ako dahil bilang na ang oras ni Danica dito."
Hindi ako nakapagpigil. Nasampal ko si Mira. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at ganito siyang mag-isip. Ang pinakamabait na taong nakilala ko na palaging nakaalalay sa akin ay may itinatagong maitim na budhi.
Hindi ako nagkamali. Feeling ko talaga, may masamang ugaling itinatago si Mira kaya kahit kailan ay hindi ko siya nagustuhan.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...