JAZZY'S POV
Half day lang kami ni Dan ng araw na iyon. Pagkatapos ng klase namin kay Prof. Espiritu sa Drug Prohibition and Rehabilitation ay nagtungo kami sa kantin. Nadatnan naming kumakain doon ang ilang nakatatandang pulis. Noon ko lang iyon napansin. Dati kasi, lumalabas kami ni Dan at magmo-mall kasama ng aming mga kaklase. Hilera ng mga unibersidad ang Police Academy kaya tabi-tabi din ang mga malls dito. Pero lately, medyo seryoso ang mga subjects namin kaya busy din kami sa mga research and advance readings. Kaming dalawa ang palaging tandem at study partners. We share each others' idea. Minsan, kay Daddy naman ako humihingi ng tulong. Minsan si Kuya Jude at Ice ang ini-interview ko. Minsan ko lang mahagilap si Kuya. Puro kami pagliliwaliw at hindi ako nagtatanong sa kanyang tungkol sa mga subjects ko sa academya.
"Narinig mo ba ang sabi ni Prof.Espiritu, magli-leave daw siya."
"Which means, magkakaroon tayo ng bagong professor on Monday."
"Magaling kaya ang ipapalit sa kanya?"
"Sana naman..."
"Sabagay wala naman tayong naging professor na hindi expert sa field nila eh."
"Bukas naman ang library kaya doon kami nagtuloy pagkatapos naming kumain ng lunch.
"So, what do you plan? Are you going out tonight?"
"Let's stay home...Spend your weekend with us..."
"Sure, Honey..."
Dumaan muna kami sa bahay nina Danica. Kilala na rin naman ako sa kanila. Ipinagpaalam ko na siya na mag-i-stay sa amin during weekends. Aalis din pala ang mga magulang niya. Isasama ang kanyang kapatid na babae sa HOngkong. Tatlong araw daw silang mag-i-stay doon.
"Are you sure, you won't come with us?"
"Thanks , Mama. Kina Jazzy na ang po ako mag-i-stay... so don't worry about me."
"Come with us next time... We'll have a trip to Europe. How was it?"
"Okay lang po...Alam naman ninyong ayokong umabsent sa klase ko eh..."
"Fine..."
Mayaman sina Danica. Matanda nang nag-asawa ang matandang Mayers kaya mukha na silang lolo kahit magulang talaga sila ni Danica. Ayaw nila ang kursong pinili ng anak. Hindi nga lang nila ito mapilit na kumuha ng ibang kurso. Tahimik kami sa loob ng kotse. Nararamdaman ko ang tensyon.
"Dan, what's wrong?"
"It's the usual dilemma of rich people...."
"What?"
"Kung paano mapapanatili ang yaman..."
"What about?"
"Bata pa ako para mag-asawa. Ipinagkasundo na nila ako kay Kai."
"Si Kai, 'yong adik na kaklase natin? Hindi lang na-kick out dahil hawak niya sa leeg ang adviser natin."
"Yap, hindi ka nagkakamali."
"Sayang nga eh. Guwapo na, matalino pa... Kaya lang adik. It's useless..."
"May ideal man ka ba, Dan?" Biglang natawa si Danica sa tanong ko.
"OO naman, Mare... Sa tingin ko, nakita ko na siya... kaya lang parang ambaba naman ng standard ko..."
"Alam mo, sa love, walang ginagamit na standard. We become idealist to look for certain qualities in them expecting that there would be someone out there who has everything we are looking for."
"WOW! Hanep, in-LOVE ka ba Sister..."
"Nakita ko kasi sa mga kuya ko noong na-in-love sila... Lahat sila, biglaang nag-asawa. They did not undergo long term relationship... Iyon bang may ligawang nangyayari... Bago pa nila ipakilala, pakakasalan na kaagad pagdinala sa bahay. Mas madrama pa sila kay Ate Justine."
"Talaga!"
"Oo... so ibig sabihin... pag dumating si Pag-ibig hahamakin ang lahat..."
"That was so romantic" Sabi ni Dan.
Pagdating sa mansion, diretso kaagad kami sa kuwarto. Nahiga lang si Danica pero nakatulog kaagad ito. Hindi ko na siya inistorbo. Mukhang pagod na pagod siya. Hindi na rin siya nakasabay sa amin sa pagkain ng hapunan.
Wala pa din si Kuya Lee.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...