FACE TO FACE

144 6 0
                                    

DANICA'S POV



Nauna na akong naligo kay Jazzy. Medyo napatagal siya ng paglabas. Pagdating niya ay kasama nito ang isa nilang kasambahay at nagdala ng almusal . Inilapag ito sa babasaging mesa. Tumalon siya at dahan-dahang lumangoy palapit sa akin. Hindi pa rin ganoon ka-confident lumangoy si Jazzy pero okay naman ang swimming skills niya. Free styler nga lang siya.



"Tell me, Jazzy... May something ba kayo ni Security Guard..."


"Huh! What are you talking about?"


"Ako? May something with OUR SECURITY GUARD...OW come on, you gotta be kidding..."


"Oh gosh...Are you lying to me?"


"Hindi kita maintindihan..."


"Kagagaling niya dito. NIyakap niya ako tapos sabi niya "Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Hindi mo pa ba ako papansinin." Angsweet ninyo ha!"


"Wait! You know... Ako ang nalilito sa kuwento mo..." Alam kong naglilihim na sa akin si Jazzy. Well, hindi ko siya masisisi, anak ng heneral tapos main-love sa isang common security guard, abah! suwerte niya dahil senyorita ang kanyang mapapangasawa. Ampogi pa naman ni Security Guard.



Hinabol ko siya ng kiliti bago pa niya bilugin ang ulo ko. Alam kong pagtatakpan na naman niya ang bagay na iyon. Naghabulan kami sa ilalim. Atleast kahit papaano ay marunong nang sumisid si Jazzy.



Then she stopped in the middle.



"What did you do?"


"Sorry, Jazzy..."


"For what?"


"Naibalibag ko si Mr. Security Guard slash Your Love sa damuhan...Napilipit ko ang braso niya..." Sabay tawa ni Jazzy. Hindi ko naintindihan ang tawa niyang iyon.


"OH MY GOSH! As in kinarate mo..." Tumango ako at very apologetic sa kanyang ginawa.


"Sorry, jazzy, sorry..." Halos maiyak siya sa katatawa. Hindi ko iyon naintindihan.



Bandang alas onse na kami umahon sa pool. Umakyat kami na nakabathrobe. Nauna akong umakyat ng kuwarto at naligo. Nagpalit ako ng maayos na damit para hindi nakakahiya mamaya kapag kumain kami ng tanghalian.



And lunch is ready. Pagbaba namin, nandoon na si Tito Justice sa dulong gitna ng mesa, nasa kaliwa niya si Tita Lemuela. In fairness, ang sarap ng ulam nila. Kare-kare...Iyon ang lagi kong dinadayo sa mansion, masarap magluto si Lola Thelma ng kare-kare.



"Wow! Kare-kare, my favorite" Sabi ko. Naupo na ako kahit hindi niyayaya. Natawa sa akin si Jazzy. "Bakit?"


"Wala lang... Pareho kasi kayo ng paborito" Napatingin sa akin sina TIta at Tito. Umupo na siya sa tabi ni Tito Justice at ako naman sa kanan niya.



Nagsimula na akong kumain habang pinanunood nila ako. Mukhang may hinihintay pa silang kakain.



"Jaz, may hinihintay pa ba?" Iginalaw niya ang kanyang mga kilay. OO daw, ang sabi. Napahinto ako. Dumating ang isang pamilyar na lalaki. Napamulagat ako sa gulat.


"Wow! Kare-kare, my favorite" Sabi niya. Parang nakigaya lang sa sinabi ko. Nagsipagtawanan ang mag-anak. Na-out-of place tuloy ako. "Okay, let us pray. Ikaw ba eh nagdasal muna bago kumain..." sabi niya sa akin. Naupo siya sa tapat ko, sa tapat ng mesang iyon. Nalunok ko ang malaking dahon ng petsay ng bigla niya akong titigan. Anak ng putsa! Anong ginagawa ng guwardiyang ito dito?


"What the hell are you doing here?" Sabi ko.


"Excuse me... Don't speak about hell when you are infront of a meal..." Natatawa si Jazzy.


"Sorry..." Yumuko ako kasi pakiramdam ko, ako pa ang nakakaiskandalo sa kanilang pagkain.


"Anong ginagawa niya dito?" Bulong ko kay Jazzy.


"Kumain muna tayo. Bago ka mawalan ng gana kapag nalaman mo." Okay fine... I-enjoy ko na lang ang pagkain ng paborito kong kare-kare na paborito rin pala niya.



Kinuha ko ang bahagi ng pata na alam kong madaming laman kaysa taba... napamulagat siya ng tingin sa akin. Ah, mukhang iyon din ang paborito niyang part ng pata.



At Kanina pa rin palang nakikiramdam si Tita Lemuela at Tito Justice. Hindi lang sila umiimik dahil nasa hapag-kainan kami.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now