NEW HOME

166 6 0
                                    

LEE'S CALLING



Hindi talaga ako nagpaalam sa dalawa kong kapatid na babae. Sila ang una kong inaalala. Alam kong sila ang unang-unang iiyak sa pag-alis ko bukod kay Mommy. Given na iyon na iiyak si Mommy dahil nanay ko siya. Pero kapag kapatid mo na ang umiyak , hindi ko alam kung mababago nila ang desisyon ko. Alam mo, minsan lang nangyari iyon at hindi ko na inulit.



Sumama ako sa Boy'scout camping for 3-days. Umiyak 'yong mga kapatid kong babae. Hindi nakatulog si Justine at iyak ng iyak si Jazzy. Walang nagawa sina Mommy at Daddy kundi isama silang dalawa sa campsite. Mabuti na lang at campsite namin iyon. Naku, natulog kaming tatlo sa loob ng tent. PInaalis ko ang mga kasama kong lalaki sa loob ng tent. Lumipat sila sa tent na para sana sa mga kapatid kong babae. Pinagtawanan tuloy ako ng mga kapwa ko Boy Scouts. Baby sitter daw pala ako sa bahay. Nagalit ang mga kapatid kong babae at inaway ang mga kaibigan ko. Ipinatanggol nila ako sa panunukso nila.



"Yayo ka pala ng mga babaeng ito!" Sabi ni Darwin.


"Eh ano naman? Kuya naman namin siya." Sabi ni Justine.


"Bakit ? Wala ka bang kapatid na babae? Hindi mo ba sila inaalagaan?" Sabi naman ni Jazzy sabay dila sa mga ito. 10years old pa lang si Justine noon at 7 years old na si Jazzy. Mga bata pa talaga sila. Fourthyear na ako noon at nasa college na si Kuya Ice. Nasa isang family cottage naman sina Mommy at Daddy kasama sina Lola Thelma at Tita Ela. Nagkayayaan na tuloy silang lahat sa campsite.



Hindi nagbago ang sitwasyon namin kahit busy si Justine sa crime lab . Lalo na rin ng mag-aral na rin sa Police Academy si Jazzy. Iba ang samahan naming tatlo. Nakakasama rin namin sina Kuya Ice at Jude pero iba ang tandem naming tatlo.



Nasa loob ng ChocoHills Subdivision ang seminaryong iyon ayon kay Fr. Pio...



Nasa pinakadulong kalye iyon ng Fr. Hannibal St. corner San Roque... Nakakamangha ang lugar na iyon. Animo'y corner lot ito ngunit napapliligiran ng maglalakihang bahay. Luntian ang buong paligid at napakapayapa ng lugar. Libreng libre ang mga tao para pumasok doon dahil wala ditong guwardiya. May mga katiwala doon, mga staff tulad ng hardinero, kusinero at janitor. Iba rin ang staff sa loob ng mga opisina dahil isa din itong paaralan para sa mga relihiyoso at ibang kumukuha ng kurso sa Theology. May iba ring kumukuha ng Masters in Religiosity. Hindi lang mga Pilipino ang nakakapag-aral dito kundi maging mga exchange student o iyong kumukuha talaga ng kurso sa pagpapari.



Nag-aaral din ang mga pari. Para din silang doktor. Halos sampung taon ang kanilang iginugugol sa pag-aaral. Ngunit dahil may nauna na akong kurso, anim na taon lang ay puwede na akong ordinahan sa bilang isang pari.



Bubungad sa iyo ang animo'y dormitory ng mga pari sa bukana ngunit may receiving area sa ibaba kung saan puwedeng kausapin ang mga bisita ng mga pari sakali sadya talaga sila ng mga parokyano. May maliit na espasyo para sa garahe ng mga sasakyan. Mapaliligiran ng mga luntiang halamang namumulaklak ang lugar, may mga puno ng betelnut sa gawing kanan at naglalakihang puno ng eucalyptus at narra kapag dumiretso ka pa. May malawak na hardin at mga mga pahingahan para sa mag-aaral at seminarista. Madadaanan mo ang hindi mo makikilalang kapilya, maliban lang kung lalapit ka at uusisain mo at sisilip sa siwang na bitana na may religious paint.



Malaki ang gusaling iyon kahit tatlong palapag lang. Mukhang paaralan ang lugar. Sa gawing kaliwa ng hardin ay matatanaw ang malawak na damuhan na animo'y soccer field, tabi ng isang basketball court kung saan pinagitanaan ang isang poultry ng mga inahing manok, pato at pabo. Sa tabi ng court naman ang isang malawak na lugar ng nagtataasang mga puno ng narra kasunod nito ang malaking tahanan para sa dean ng seminary at ilang kasapi o boardmember nito. Sa Tapat naman nito ang isang malawak na lawn, tabi ng bagong tayong library sa pangalan ng isang papa ng Vatican. Nandito ang opisina ng Dean ng Religious Studies at Evangelium Courses. Nasa ikalawang palapag ang library ng sari-saring libro ng mga buhay ng santo, mga libro tungkol sa mga katuruan ng simbahang Katoliko at iba't ibang uri ng Bibliya at mga relihiyosoong babasahin mula sa iba't ibang mga may akda na kadalasan ay layko at mga seminarista at mga pari na rin.



Halos naikot ko na ang buong lugar na iyon ngunit hindi ko inaasahan si Jazzy ng umagang iyon. In fairness, ang aga talaga niya. Katatapos lang naming ng morning offering sa munting kapilya ng seminaryo. Susundan ito ng misa kung saan mga estudyanteng madre at iba pang seminarista at layko ( ordinaryong naglilingkod sa simbahan ang nagsisimba doon.) ang doon ay nagsisimba.



Tahimik ng umagang iyon at wala akong kamalay-malay sa mga nagaganap.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now