MIRA'S POV
Partly my profession is an obygynecologist bago ako pumasok sa Crime Laboratory as Forensic Expert. Well , nag-aral ako sa States kung saan nabigyan din ako ng pagkakataon upang makasali sa mga training ng mga sundalo sa US. Bukod doon, nakakuha ako ng certification sa ibang bansa mula sa training nila on Forensic Testing Advancement na wala pa dito sa Pilipinas.
I can check on Danica form time to time habang nandito siya sa St. Catherine's Hospital kung saan isa rin akong resident doctor. Part time ko ang pagiging Forensic Expert.
Upon checking all Danica's vital signs, nakikita kong lumalaban siya para mabuhay. OO, may dahilan pa siya para mabuhay... May munting tibok akong naramdaman... munting tibok ng buhay sa sinapupunan ni Danica, pilit ding lumalaban tulad niya. Mukhang nagbunga ang panghahalay sa kanya ngunit sa tingin ko, maaaring kay Lee ang batang dinadala niya. Hindi nagkaila si Lee na may nangyari sa kanila tatlong araw bago mangyari ang mangri-rape sa kanya. Kung ganoon posibleng si Lee ang ama ng buhay na iyon.
BIglang tumunog ang monitor. Nagkakaroon siya ng convulsion. Hindi maaari...
"Danica, lumaban ka..." Sigaw ko sa loob habang kami lang dalawa. Tumawag na ako ng assistance mula sa intercom.
"LUMABAN KA PARA SA ANAK MO. LUMABAN KAYONG DALAWA..." Hindi ko alam kung totoo sa puso ko ang mga nasabi ko. Pero nakakagaan ng pakiramdam. Para ko na ring tinanggap na mahal nila ang isa't isa. Ngunit hindi ko iyon mapapayagan.
Lumikha ang monitor ng isang matinis na tunog. Makikita dito ang isang manipis na linya. Pinilit namin siyang ni-revive. Napalingon ako sa salamin. Umiiyak ang kanyang yaya. Halatang umuusal ng dasal.
"NOOO, DANICA! Wake up... Wake up..." Hindi na kami nagdalawang isip na i-CPR siya... Kapag tuluyan siyang nalagutan ng hininga, pareho silang mawawala. Biglang nagkaroon muli ng pulso , gumalaw ang kanyang daliri ng hindi napapansin ng iba pang nurses. Umiyak ako sa tuwa. Hindi niya kailangang mamatay. Ngunit hindi rin niya kailangang makatuluyan pa si Lee.
"Hay, salamat."
"Sige, ako na ang bahala dito." Pinaalis ko sila kaagad at iniwan kami.
Naging stable ang lagay niya at sa isang mahimalang pangyayari, unti-unting iminulat ni Danica ang kanyang mga mata. Nasa loob ang kanyang yaya ng mga oras na iyon. Pinayagan ko siyang pumasok.
"Danica, ligtas kana."
Ngunit pumikit si Danica. Nakita ko ang kanyang luha. Sumubsob ako sa kanyang kama. "Patawad sa gagawin ko , Lee...Patawad..."
Hindi ko kayang pumatay pero para kay Lee...
Lahat ay kayang kong gawin.
Maging akin lang siya sa bandang huli.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...