FLASHBACK(HEY MR!MR!)

162 6 0
                                    

SULLIVAN'S POV



Akala ko, hanggang doon na lang iyon. Uminom pa kami ng beer. Umorder pa si Kris. Alam niya na may pinagdadaanan ako ng mga oras na iyon. Hindi pa pala nakakaalis si Justine.



"Uy, Sullivan... Okay ka din ha! Type mo pala yung may mga asawa na"


"Ha!"


"Bakit gusto mong maging kabit?"


"Justine, itikom mo nga 'yang bibig mo" Saway ni Jude sa nakababatang kapatid.


"Buking ka na... Tapos sasabihin mo sa akin, idi-date mo ako" Sampal tuloy ang inabot ko.


"Justine..." Nagulat na lang ako sa ginawa niya. Hinila niya ang kuwelyo ng polo shirt ko atsaka ako hinalikan. E di, hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataon. Unahan ba naman niya ako eh. Dahan-dahan kong isinuksok ang mga daliri ko sa buhok niya at mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. Baka sakaling umigkas ulit at manampal. Magaling siyang humalik, in fairness at ako ang nahiya sa sarili ko.


"Now tell me, kaninong halik ang mas gusto mo? Kay keith pa rin" Muli niyang isinubsob ang kanyang mukha sa aking mukha kaya lalo akong natuwa sa kanyang pagmamaktol. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.


"Uy, Sullivan, tigilan mo ang kapatid ko" Pinipigilan siya ni Kris ng mga oras na iyon.


"Ms. Agresibo, girlfriend na kita simula ngayon ha!"


"Ha! "


"Syiempre, mas gusto ko ang halik mo..." Ngayon pa siya pumalag pero hindi ko siya pinakawalan sa mga bisig ko. Matapos niya akong insultuhin ng ganoon. Ay akala yata niya, hindi ko siya papatulan. E di wow! Tapos ngayon , aayaw pa siya sa halik ko.


"Kuya!"


"Bahala ka sa buhay mo! Isusumbong kita kay Mommy. Lagot ka kay Daddy" Parehong pulis ang magkapatid na ito. Pang-apat si Justine sa mga anak nina SPO4 Lemuela Gonzalez at General Lorenzo. Matindi ang mga makakaharap ko once na maisipan kong ipaalam ang relasyon namin ni Justine sa kanyang mga magulang. Baka mangailangan ako ng bulletproof vest dahil baka ulanin ako ng bala. Angkan ba naman ng mga pulis...



I won't let go of Justine this time. Now I know that I no longer have the right to love Keith. I have to move on and continue to love. Now I found Justine and maybe it's about time to be happy by her side.



Sumadya tuloy ako sa presinto kung saan naka-assign si Justine. Nasa crimelab siya ng mga oras na iyon at hinintay ko ang paglabas niya para magkausap kami. Syiempre, gusto kong maging malinaw ang relasyon naming dalawa.



"Laman ka na nang balita, Sullivan. Sikat ka na sa love triangle ng Twin Towers"

POLICE STORYWhere stories live. Discover now