LEE

141 4 0
                                    

DANICA'S POV



Hindi ko inaasahan na ganoon nila ako iwi-welcome sa kanilang pamilya kahit girlfriend pa lang ako ni Lee. Hindi na sana ako ipinakilala ni Lee ng ganoon sa kanyang mga kapatid. Baka ma-disappoint ko pa sila kapag nag-break kami lalo na kung malalaman nilang engage na ako sa iba. At ang aming relasyon ni Lee ay pawang trial lang. Pero kung puwede lang, FOREVER na sana ito.



Sino ba naman ang hindi nangangarap ng forever di ba? Ang aking ideal man ay nabigyan na rin ng katuparan dahil lang sa isang aksidente. Kung hindi pa iyon nangyari, baka hanggang ngayon ay hindi niya ako pinapansin.



Nakita ko kung gaano sila kalapit na magkakapatid. Naglaro sila ng volleyball, Girls VS. Boys. Magkasama sa Team si Tito Justice, ice at Lee samantala sina Tita Lemuela , Justine at Jazzy ang sa kabila.



Magaling ang kanilang laro. Competitive si Tita Lemuela. Mukhang nakuha sa kanyang ng mga boys ang kanyang pagiging mapang-asar. Si Tito Justice, tahimik pero mukhang lagot si Tita mamaya pagkatapos ng laro. Hahaha, mukhang may ibang labanang magaganap.



Talo ang mga boys. Pagkatapos ng laro, inuman session naman. At ang mga girls, parang SNSD Party-party lang ang peg nila. Wow ang mga katawan. Pati si Tita Lemuela , hindi nagpatalo sa pagto-two piece.



Lalapitan sana ako ni Lee pero hinatak siya ni Tito Justice. Naku, hindi ko kasi naipagpaalam na magto-two piece din ako. Kill joy naman ako kung hindi ako makikisama sa kanilang suot. Atsaka hindi naman nakakahiya ang damit ko. Kulay red ang two piece ko at lahat ay nagkatinginan. Common ang red sa mga two piece namin. Striped red kay Xity. Bulaklaking red kay Justine, polka dotted red ang kay Jazzy at pareho kaming red ni Tita Lemuela.



Sounds familiar di ba... Because Lorenzo boys are attracted to something fierce and fiery like this red thing.



Off limits ang mga bata sa dagat. Lahat sila ay nasa pool na pambata kasama ang mga kasambahay, si Lola Thelma at ang mga lola at Lolo nila.



Lahat ng mga boys ay naka-rash guards.



Nakita ko na lang na may dalang balabal si Lee at iniabot iyon sa akin.



"Mamaya mo na lang ipakita iyan sa akin kapag tayo na lang dalawa." Bulong ni Lee.



Hinampas ko siya dahil kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. Totohanin na lang kaya niya hindi 'yung puro siya salita?



Nag-enjoy kami sa panliligo hanggang sa nagsipaglapitan na ang mga boys sa amin. Sa buhanginan lang nag-stay sina Tita Lemuela at Tito Justice. Gumawa naman ng sandcastle ang magkakapatid. At hinila ako ni Lee sa tubig. Ayoko ko sana dahil mukhang lasing siya.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now