JAZZY'S POV
Okay, late na kami. Okay, wala namang sinabi na mag-push up kami pero guilty lang kaming dalawa ni Danica. Nakakatawa! Gusto kong magalit kay Kuya para ipahiya kami sa ganoon sitwasyon ni Danica. Dapat sana absuwelto na kami. Pero tama siya, wala namang nagsabing mag-push – up kami... Kami lang ni Danica ang gaga at kalahati tapos kami pa ang may ganang magalit.
Pagkatapos ng klase niyaya ko si Danica...
"Dan, kita tayo sa canteen mamaya."
"Busy ang grupo ko, Jazzy. Kayo ba? Wala ba kayong balak gumawa ng thorough investigation sa crime ninyo." Mukhang may laman ang sinabi niya.
"Ito naman..."
"Alam mo, hindi ko alam na of all people kuya mo pa talaga ang magiging professor natin. I was expecting a police who is much matured and expert."
"Huwag mo namang i-judge si Kuya. Masyado ka, eh sino ba ang nagsabi sa ating mag-push up tayo? Hindi naman niya tayo inutusan ah."
"Sige kampihan mo pa ang kuya mo. Mabuti pang nagkaroon ako ng professor na matanda at masungit kasi tulad niya."
"Pakiulit nga ang sinabi mo... Anong mabuti pang magkaroon ng professor na matanda at masungit? Bakit?" Lagot, mukhang napikon si Kuya.
"Kuya, joke lang niya iyon."
"Ayusin mo na lang ang ipinagagawa ko kung may gusto kang patunayan sa akin."
"Bakit kasi hindi ka na lang bumalik sa presinto kung saan ka galing?"
"Galit ka ba sa akin?" Mahinahon ang tanong ni Kuya at inilapit niya ang kanyang mukha kay Danica. Pero inawat ko siya kaagad.
"Kuya, kain na lang tayo." Lumipat si Danica ng upuan kaya napasunod tuloy ako sa kanya. Kawawa naman si Kuya, wala siyang kasamang kumain. Hay, parang ibinoykot siya ng mga kaklase ko. Hindi ko nga sinasabing kuya ko siya eh.
Pero kapag may nakahalatang magkamukha kami, lagot talaga kaming pareho. Baka pagkaisahan kami sa academy. Hindi ako inimikan ni Danica hanggang sa huling klase namin kaya hindi na ako nagpakita sa kanya.
"Mommy, puwede po ba ninyo akong ipasundo kay PO1 Ojeda? Sige na po..."
"Di bale na lang po. Magtataxi na lang po ako pauwi."
"Sa bahay ko na lang po sasabihin."
Malungkot akong umuwi sa mansion. Hindi maganda ang Lunes ko dahil sa nangyari. Mukhang friendship –over na dahil lang kay Kuya. Sumama talaga ang loob ko kay Danica. Mukhang hindi niya kayang paghiwalayin ang personal sa professional na bagay. Estudyante pa rin ako ni Kuya pagdating sa academy.
Hindi na ako naghapunan. Kinatok ako ni Kuya pero hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Nagbingi- bingihan ako.
Nakatulog ako ng hindi naghahapunan kaya napaaga ang gising ko. Dumiretso ako ng kusina at naghanap talaga ako ng makakain. Mabuti na lang at maagang naghanda ng almusal si Lola Thelma ng almusal at si Kuya, hindi ko naiwasan dahil maaga pala siyang nag-ehersisyo sa bakuran. pawis na pawis siyang humalik sa aking pisngi . Ngumunguya pa naman ako ng pagkain ng bigla akong maiyak.
"O bakit?" Niyakap niya ako. Umupo siya sa tabi ko.
"Kuya, nagalit sa akin si Danica. Buong maghapon niya akong hindi pinansin kahapon pagkatapos ng klase mo."
"So, it means siya ang hindi totoong kaibigan..."
"Kuya naman eh. Alam mo namang best friend ko si Danica."
"Ayoko sa ganoong klase ng babae. Mayabang talaga 'yang kaibigan mo. No doubt hanggang ngayon wala pa siyang boyfriend."
"Anong sabi mo? Bakit gusto mo na ba siya?"
"Ha! Wala akong sinabi ha! Kuya, gumawa ka naman ng paraan..."
"Jazzy , kung totoo siyang kaibigan... kaya niyang ihiwalay ang personal at professional na bagay."
Tama naman si Kuya. Hindi naman dapat maapektuhan ang pagkakaibigan namin dahil pinagalitan kami ni Kuya sa klase niya. Siya naman ang naghamon kay Kuya eh. Kinukuwestyon niya ang kakayahan ni Kuya. Nakalimutan niyang matagal na naging imbestigador si Kuya.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...