LEE'S POV
Hindi ko na namalayan ang pag-alis ni Miss Maganda sa kuwarto ko. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan na parang nakipagbuno ako sa isang leon. Hinilot ko ang aking kalamnan at nag-stretching habang pababa ako ng hagdan. Nag-aalmusal sila. Nandoon din si Miss Birthday Girl. Nilapitan ko siya at binati. Hinalikan ko siya sa pisngi ngunit hindi niya ako pinansin. As expected, ganoon talaga siya. Alam kong masama ang loob niya.
"Sorry na..."
"Sorry mong mukha mo..." Sabi ng labi niya. Kaya kong i-lipread ang mga sinasabi niya. Sabay irap sa akin.
"May follow up operation kami kaya hindi na ako nakaabot."
"Ewan!" Ewan daw... Inirapan niya ako. Hindi niya ako tiningnan.
"Gusto mo bang ihatid kita mamaya. Ligo muna tayo ngayon..." Pero hindi niya pinatulan ang mga sinasabi ko.
"Mag-isa ka!" Talagang galit nga...
Nakita naming pababa sina Mommy at Daddy. Hinalikan nila si Jazzy at inalalayan ni Daddy si Mommy sa pag-upo.
"Hmm, bakit ang aga-aga eh sambakol ang mukha mo." Kinurot ni Daddy ang pisngi ni Jazzy.
"Huwag ka nang magtanong , Dad. Alam mo na ang sagot." Niyakap siya ni Daddy sa likuran.
"Upo ka na , Justice.... Makakapasok ka pa ba, Jazzy?"
"OPo..."
"Sabi ko na kasing sa weekends ka na lang magpa-party eh..."
"Eh hindi ko na po birthday iyon." May point nga naman. Hindi pa rin niya ako pinansin kaya hindi na muna ako nagpumilit. Palalamigin ko muna ang sitwasyon.
Maaga akong nagpaalam. Humalik ako kay Daddy at Mommy. Hahalikan ko sana siya pero umiwas siya sa akin. Tinitigan niya ako.
"Umalis ka na, kung aalis ka! "
"Galit ka pa rin..."
"Obvious ba? Galit talaga ako sa iyo..." Nakatingin lang sa akin sina Mommy at Daddy. Napabuntunghininga ako. Consequence iyon . Masyado ko kasi siyang na-spoiled. Kaya lang nakalakhan na niya ang ganitong ugali.
"Kapag ako, nag-asawa... hindi ka na makakaganyan sa akin..."
"Iyon eh kung... mag-aasawa ka pa?"
"Jazzy..."
"Sa sobrang manhid mo Kuya... I doubt kung may magkakagusto pa sa iyo..."
"Sige na, Lee..."
"Bye po..."
Nagsuot na ako ng aking uniporme at naglakad-lakad sa bakuran hanggang sa makarating ako sa gate namin. Napakaganda ng umaga. Bigla akong natawa . Whew! Noon lang ako nakaramdam ng sobrang kaba. Ano bang klaseng pakiramdam iyon at hindi ko man lang kayang maipaliwanag. Walang salita ang puwedeng maglarawan ng pakiramdam na iyon. Ah, siguro... HEAVEN, puwede na.
Sino kaya ang babaeng iyon? Makikita ko pa kaya ulit siya? Grabeh ang tibok ng puso ko ng makita siya. Noon lang nangyari ang bagay na iyon. Naiisip ko pa lang siya ngayon, nagre-react na ang puso ko. At ngayon, hinahanap-hanap ko siya.
Hindi ko namalayan ang pagpasok nang isang kotse. Binusinahan niya ako at nagbaba siya ng salamin.
"Pssst! Halika dito..." Napalingon ako sa aking likuran. Sinutsutan niya ako at sumesenyas na lumapit ako sa kanya. Kamukha niya ang babaeng pumasok sa aking kuwarto.
"Guard, pakiparada saglit ng kotse ko sa garahe?" Inihagis sa akin ang susi. Napatingin sa amin ang aming guwardiya. Napakamot siya ng ulo. Magkapareho kasi kami ng uniporme kaya napagkamalan niya akong guwardiya.
Hindi magawang tumawa ng aming guwardiya ng bigla ko siyang tingnan ng masama. Ginawa pa niya akong valet. Ay talaga naman.
"Sino ba 'yon? Masyadong maangas ha! Bakit mo siyang pinagbuksan kaagad? Palagi ba 'yon dito?"
"Sir, bestfriend po 'yon ng Ma'am Jazzy..."
"WHAT?"
"Opo... masyado kasi kayong busy. Pati kaibigan ng kapatid ninyo hindi ninyo kilala"
"Iyon? Kaibigan ng kapatid ko? Kailan pa?"
"Naku, eh high school ko pa po nakikita ang dalagang iyon dito sa inyo. Ganda , Sir no... Seksi nga po niya ngayon eh..."
"Uy, ikaw ha!"
"Bakit , Sir? Hindi po ba ninyo nakita? Angganda-ganda niya di ba?"
"Sus! At ako ? Sa pogi kong ito, mapagkakamalan niyang guwardiya..." Nagkatawanan kaming dalawa. Gusto kong mabad-trip. Inihagis ko kay Julio ang susi. Naglakad ako sa loob ng mansion. Dumiretso ako sa garahe.
Pagpasok ko ng kotse, sinulyapan ko ang puting folder....
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...