ALL GIRL'S DRINKING SESSION( WHEN MEN TALKS)

132 6 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Nagbihis na si Lee ng bago at tuyong damit bago humarap sa mesa ng gabing iyon. Nangitim kaagad sila. Ngunit hindi si Danica dahil tan lang ang naging kulay niya. Bagay pa rin sa kanya. Pagkatapos kumain, nagkayayaan na ng inuman ang mga babae sa pangalawang palapag ng kainan. Maganda ang view doon. Open air doon , malawak ang drinking area nila. Mukhang game naman ang mga may asawang babae. Advantage pa nga ng mga lalaki.



"Naku, lagot na! Baka masundan na naman ang anak ninyo ni Xity." Sabi ni Ice kay Jude.


"Lagot talaga ako nito. Hindi na naman ako patutulugin ni Xity. Hindi ko alam na weird siya kapag nalalasing." Sabi ni Jude.


"Gaano ka-weird." Napailing si Jude. Napapikit siya. Nag-stretching at nagpabili ng lipovitan sa driver. Nagkatinginan ang tatlo. Anglakas ng tawa nila.


"Mapapalaban ako nito. Ako ang pagod sa kanya, hindi siya... Mahaba ang gabi at mahaba rin ang energy niya. Ako ang kawawa...Galit pa siya kapag may masakit sa kanya." Tinapik ni Ice ang kapatid.


"Sus, huwag ka ngang makatapik-tapik sa akin... Isa Ka pa... Kuya, magpapabili din ba ako ng balot kasi baka mangatog ang mga tuhod natin. Mas malakas ang mga misis natin mamaya. Minsan lang 'yan sa isang taon. Para tayong magpipiyesta ng hubad na isda..." At parang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan sa kanilang balak.



Kinabahan si Lee.



"Paano naman ang pari natin dito?" Tinapik ng dalawa ang magkabilang balikat ng kapatid.


"Anong problema? Bakit ka tahimik?"


"Kinakabahan ako... "


"Bakit pinayagan ka ba ng girlfriend mo na tumabi sa kanya?"


"Hindi ... gagapangin ko pa naman siya mamayang gabi. Puwede ba 'yon? May mangyayari ba kapag ganoon?"


"Sus, alam mo..."Biglang huminto si Jude "Paano mo pala niligawan si Danica? Angyabang kaya ng babaeng 'yon. "


"Ano ka ba? Ang mayabang at masungit na 'yon ang kilig na kilig kay Lee... Tingnan mo nga naman, itong manhid na ito eh nakakapagpakilig at nakakapagpalambot ng puso ng isang mayabang at ubod ng sungit na kagandahan..."


"Huh ! Alam din ba ninyo?"


"Bakit ikaw na lang ba ang hindi nakakaalam na matagal ka ng crush ng batang iyon? Ayaw mo kasing makinig sa amin. Hayan, dalaga na. Teka, paano kayo naging..."


"Nahalikan mo na ba?" Inintriga pa siya ng mga kapatid. Talagang asar –talo dito.


POLICE STORYWhere stories live. Discover now