DANICA'S POV
Wala ako sa sarili ng gabing iyon. Masyadong pressured sa bahay eh. Kaya napagdiskitahan kong uminom. Tamang-tama, birthday ni Jazzy. Kaya lang sa pool pa lang, inawat na ako ni Jazzy, nakaka-walong bote na ako ng beer.
"Dan, tigilan mo na iyan..."
"Hayaan mo muna ako , Friend..."
"May problema ba? Pag-usapan natin iyan..."
"Hindi ngayon, Friend. Birthday mo ngayon eh..."
Kabisado ko ang buong mansyon at alam ko kung saan ang kuwarto ni Jazzy. Ngunit ng gabing iyon, napasobra yata ang dami ng nainom ko. Talagang hindi ko kinaya ang sarili ko . Basta't alam kong pumasok ako ng kuwarto at humiga.
Madalas akong mag-sleep-over kina Jazzy during Friday nights. Maraming beses na akong natutulog sa kanila. Minsan, lumalabas kami for Iast full-show. Maliligo kami sa pool bago matulog. Gabi na kaming aahon. Well, ganoon kaming dalawa. Kahit kaming dalawa lang kontento na kami. Noong dalaga pa ang ate Justine niya, kasama din namin siya.
Hindi ko talaga lubos maisip ko kung anong ginagawa ko katabi ang lalaking iyon. Nakabukas ang lampshade at nakasiksik ako sa leeg niya. Nakahiga ako sa kanyang mama-muscle na bisig. Hindi mo maikakailang napakapogi niya kahit tulog na tulog. Malago ang kanyang buhok. Kinapa ko ang aking sarili at sinuri kung lumampas ba ako sa limitasyon ko. In fairness, hindi naman siya nakayakap sa akin. Ako pa nga ang nakakahiya kasi ako pa ang nakayakap sa kanya. GRRRRRR! Bihis na bihis pa naman ako. Kaya lang nakakalat sa carpet ang purse ko at sapatos ko.
Bakit wala akong maalala? Sigurado ba ako? Walang nangyari. Wala siyang ginawa. Wala akong ginawa. OH, GOSH! Malilintikan ako.
Inikot ko ang tingin sa loob. Hindi ito kuwarto ni Jazzy. Nasaan ba ako? Bakit ako nandito? Kuwarto ito ng lalaki. Haist!!!!!!!
Nagmadali akong lumabas. Luminga-linga muna ako kaliwa't kanan. ayaw kong mabuking. Ayokong malaman nila kung saan ako galing. This is an honest mistake... a great mistake to keep in secret. Tahimik na sa buong kabahayan sa itaas. Halatang tulog na ang may-ari ng mansion. Maliban sa naririnig kong kalampag ng mga pinggan sa kusina... gising pa ang mga kasambahay. Inililigpit pa ang mga ginamit na plato at mga kutsara't tinidor.
Nasa dulo na ako ng hagdan. Hawak ko ang aking purse at ang aking stiletto...
"Uuwi ka na ba, Dan?" Si Tita Lemuela pala. Nasa taas siya ng hagdan. Nakapantulog na siya. Sa edad niyang 55 ay hindi halata sa kanyang katawan. Nananatili siyang seksi. Alagang alaga niya ito. Iniisip ko tuloy na kailangan talaga iyon lalo pa't asawa siya ng isang Heneral.
YOU ARE READING
POLICE STORY
ActionDelikado ang buhay ng isang pulis Kaya pinili kong maging isang private investigator Naging part-time Instructor din ako sa academy pagkatapos kung maka-graduate Pero hindi nila alam, mas gusto kong pumasok sa pagpapari. Ngunit kung hindi ta...